NINE

12 0 0
                                    

Kararating ko lang sa bahay.

Halos lutang pa rin ako sa nangyari kanina sa school.

"Jeanna! Gutom ka na ba? Magbihis ka na ng makakain na tayo!"

"Hindi ako gutom Ma.."

"Anong di gutom? Siguro inubos mo nanaman yung allowance mo kakakain sa canteen no? Kaya ka tumataba e. Lamon ka ng lamon!"

"Ma hindi po, late na ako nag-meryenda kanina kaya busog pa po ako."

"Ay! Paano tong niluto ko? Ang dami-dami neto! Dinamihan ko kasi alam kong matakaw ka sa kalderetang kambing e."

"Salamat Ma, pero ilagay nyo nalang sa ref at yan nalang almusal ko bukas."

"Ay anak, hindi pwede! Di na to masarap bukas. Dapat ngayon na!"

Please Ma, wag ka muna makisabay.

"Jeanna, take a rest na." Si kuya.

"Salamat kuya." Umakyat na ako, habang umaakyat ako naririnig ko pang nagtatalo si mama at kuya. Sorry pero wala po talaga ako sa mood.




"Mahal kita higit pa sa kaibigan."

Shit! Tama ba lahat ng nangyayari ngayon? Di ba ako nanaginip lang? Sana panaginip lang to please.

Pero totoong-totoo ang nangyari kanina e! Pagkatapos ko marinig ang sinabing iyon ni Jade, mas lalo akong umiyak. Naguguluhan na ako! Mas lalo ako naguluhan ng marinig ko rin ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

"OMG! Sabi na nga ba e!"

"Matagal ko ng napapansin yan!"

"Manhid lang kasi talaga tong si Jeanna!"

"Pero di ba ayaw ni Jeanna yun?"

"Mag-bestfriend kasi sila at bawal sa tropa nila yung magka-inlove-an."

"So sinuway nya si Jeanna?"

"Malamang! Friendship Over na yan!"

Gulong-gulo na ako! Lalo na akong naiyak. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari basta ang alam ko, ayoko sa sitwasyon na to!

"Jeanna, i'm sorry......"

Sorry para saan?

Kasi gago ka?! Kasi nilabag mo yung rules ko?! Sorry kasi all this time alam ko kaibigan lang turing mo sa akin pero iba na pala?! Sorry kasi nainlove ka sa akin na hindi naman dapat?!  Sorry kasi gago ka?! O sorry para sa lahat ng sorry mo?!!

Gustong-gusto ko ipamukha sa kanya yun kaso naubusan na ako ng lakas. Di ko na alam ang tamang gagawin. Kung makikipag-bulyawan ako sa kanya o tatakbo nalang. Hindi ko alam, hindi ko alam.

"Jeanna please, talk to me? Kahit murahin mo ako, tatanggapin ko. Just please, talk! Natatakot na ako."

Sa consequences ng ginawa mo di ka natatakot?

"Jeanna?....."

Tumayo na ako. Kahit hinang-hina ako, tumayo na ako. Lalong dumarami ang tao sa field marahil sa naabutan na kami ng uwian. Ayoko ng ganito, alam ng lahat ng ayoko ng ganito.

Tinalikuran ko na sya. Wala ng kwenta kung magtatagal pa ako dun.

"Jeanna, please talk to me."

Hinawakan nya ang kamay ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit at pagkadismaya sa pagkahawak nya sa akin. Ngayon ko naiintindihan ang gustong iparating ng mga tingin nya sa akin nung mga nakaraang araw.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon