TWENTY NINE

4 0 0
                                    

"Love."

Malamang sermon nanaman makukuha ko dito.

"What?"

"San ka galing?" Tanong nya na halatang nagtitimpi pa.

"Bar malamang! Amoy alak nga ako di ba?!" Lumapit ako para ipaamoy sa kanya ang bibig ko. Umiwas naman sya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Jeanna, hindi ikaw to."

"Anong pinagsasabi mo?"

"Hindi ka ganito. Hindi mo to ginagawa. Anong nangyayari sayo?"

Tumingin ako sa kanya. "Ako to Rain. Ganito na ko dati pa, tanong mo pa si Zach."

Bumitiw sya sa hawak sa akin at tumingala na parang tinitignan ang mga stars sa langit.

"Oo nga naman. Si Zach. Si Zach nanaman." Sabi nya.

Siguradong panibagong away to. Masyado akong pagod at nahihilo dala ng alak kaya wala ako sa mood makipagtalo sa kanya. Bahala sya sa buhay nya.

Akmang papasok  na ako sa bahay ng hilahin nya ang isang kamay ko para mapaharap ako sa kanya.

"Bakit ba puro nalang si Zach!"

Sigaw ni Rain. Nakakailang sigaw na sya sa akin lately. Hindi ko rin gusto ang inuugali nya ngayon sa akin.

"Bakit palagi nalang sya Jeanna?! Bakit palagi ka nalang naka-depende sa kanya! Ako Jeanna, sino ba ako sayo?!"

Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko bago ako nagsalita.

"Nung pinamili mo ko sainyong dalawa, sino pinili ko? Ikaw di ba? Hindi pa ba sapat sayo yun Rain?"

"HINDI JEANNA! KASI KAHIT AKO YUNG PINILI MO RAMDAM KO NA HANGGANG NGAYON SYA PA RIN ANG HINAHANAP HANAP MO AT NAKAKATARANTADO PARA SAKIN NUN JEANNA!"

"Andito nga ako di ba?! Hindi ako sumama sa kanya kasi ayaw mo! Ikaw pinili ko! Andito ako sayo! Ano pa ba Rain! ANO PA BA HA?!!"

Hindi ko na alam kung gaano na kalakas ang mga boses namin na nagsisigawan sa gitna ng kalsada na to.

"Yung ikaw mismo Jeanna." Mahinang sabi nya. Medyo napapaos ang boses nya senyales na umiiyak sya.

"Alam ko naman na napilitan ka lang na sagutin ako nun dahil gusto mo makalimutan yung sakit ng pagkawala ni Zach. Tinanggap ko yun, Jeanna kahit ang sakit ng dahilan na yun.." Naikuyom nya ang mga kamay nya. Galit, lungkot at dissapointment ang nakita ko sa kanya.

"Pero Jeanna di ba ginawa ko naman lahat mahalin mo lang talaga ako di ba?" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Mahal mo naman ako dati pa di ba? Ako naman talaga di ba? Ako yung mahal mo at kaibigan mo lang naman si Zach e.. pero mas mahal mo lang talaga sya. Ang hirap-hirap makipag-kumpitensya sa bestfriend mo! Jeanna bakit?"

"Bakit?" Tinignan ko sya sa mata.

"Mahal kita Rain, totoo yan. Yung sinagot kita siguro nga mali yung dahilan ko pero mahal kita Rain."

Tuluyan ng tumulo ang luha ko. "Nung bumalik si Zach after 5 years ang saya ko kasi si Zach yun e! Alam ko na alam mo kung sino si Zach sa buhay ko. Pero kahit kailan hindi kita iniwan Rain. Hindi kita pinabayaan! Pero pinilit mo ako na iwasan sya. Na layuan sya. Bakit Rain? Kasi nagseselos ka? Kasi akala mo balewala ka na dahil may Zach nanaman ako?"

Nagpunas sya ng luha bago tumingin sa akin. "Yun naman talaga di ba?"

"BULLSHIT RAIN!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang sama-sama ng loob ko sa kanya.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon