"Jeanna."
Natapos ang eksena sa labas.
Kinaladkad na ni Zach sa sasakyan si Areeyah dahil kung di nya gagawin iyon ay malamang aabot pa sila sa kinabukasan sa labas ng bahay.
"Kuya."
Akala ko makakapahinga na ako, hindi pa pala. May isang laban pa akong kailangan harapin. And I think mas matindi to kesa kay Areeyah.
"I know you need a talk."
Natawa naman ako sa kanya. Kasalukuyan syang nakaupo sa mesa at nagkakape. Lumapit ako sa kanya at hinila ang katapat na upuan para umupo.
"Ako ba talaga kuya?"
Ngumiti lang sya. Alam ni kuya na hindi naman talaga ako magsasabi ng problema ko hangga't kaya ko.
"You need it. Di mo lang maamin sa sarili mo. Gaya ng nararamdaman mo sa kanya."
Napatingin ako kay kuya.
"Ang labo kuya. Malabo pa rin talaga." Panimula ko. Oo aaminin ko kailangan ko to. Kanina pa gusto lumabas ng mga luha sa mata ko.
"Ano ang malabo?"
Hindi ko alam. Ako ba o yung damdamin ko?
"Malabo o nagbubulag-bulagan ka lang?" Tanong ulit ni kuya.
"Bakit ganun kuya.. hindi naman kami pero nasasaktan ako. Walang kahit na ano sa amin pero nasasaktan ako?"
"Kasi nagmamahal ka."
"Ganun ba talaga ang pagmamahal? Kailangan laging nasasaktan?"
"Hindi mo naman masasabi na nagmahal ka kung di ka nasaktan."
Ang hirap magmahal sa totoo lang.
"Minsan, kailangan mong masaktan o kailangan mong maramdaman ang sakit para mabuhay ka."
Pero ang sakit sakit kasi.
"Love can make or break you. You choose kung saan ka dadalhin ng pag-ibig na yan. Ang importante, matuto ka. Magmamature ka. May matutunan ka."
"If I let this feeling, may masasaktan ako. If I keep it, masasaktan ako."
"See? Kahit anong side ka pumunta may masasaktan at masasaktan pa rin."
"What should I do kuya? I am hurt. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi hindi masuklian yung pagmamahal ko. Pero nasasaktan rin ako kasi may nasasaktan din ako dahil sa pagmamahal na to."
Hinawakan ni kuya ang kamay ko.
"Alam kong matapang ka. Alam ko na alam mo kung ano ang nararapat mong gawin."
"Paano kung masaktan ako sa magiging decisions ko?"
"Anuman ang piliin mo, masasaktan ka. Yun na yun Jeanna e. Part na ng buhay natin to. Yung masaktan? Hindi ka tao kung never mong maranasang masaktan. Kung masaktan ka, hayaan mo lang basta wag mong tambayan. Daanan mo lang. Lilipas ang lahat at di mo namamalayan nag-ggrow ka na as an individual."
"Salamat kuya."
Tumayo si kuya at hinagkan ako.
"Yung baby namin dalaga na. Dati inaaway-away lang ako ngayon naging iyakin na."
Natawa naman ako sa sinabi nya.
Nasa office ako ng may mareceived akong call from unregistered number. Sinagot ko naman ito. "Hello?"