SEVENTEEN

8 0 0
                                    

Eto nanaman ang summer.

Dati eto yung inaabangan ko every year.

Ngayon, napagdesisyunan namin nila mama na wag muna umuwi ng Tarlac dahil busy na rin naman ako sa pag-aapply ko for college.

Yeah this coming year college na ako.

Ang bilis lumipas ng panahon ano?

Ganun nga siguro ang buhay.

Minsan kapag may mga bagay kang iniiwasan hindi mo nalang namamalayan na unti-unti ng umuusad ang mga araw.

Limang buwan na ang nakalipas.

Pagkatapos ng araw na yun hindi na kami muli nagkita.

Iniwasan nya ako, iniwasan ko sya.

Parang isang bula na bigla nalang nawala ang pagkakaibigan namin.

Ni wala sa aming dalawa ang naglakas loob na ayusin ang problemang namagitan sa amin.

Lumipas ang graduation ng hindi man lang namin binati ang isa't isa.

Ganun nalang ba talaga matatapos ang lahat?




"Love? Ready ka na?"

Limang buwan na ang lumipas at marami na rin ang nangyari. Isa na dun ang naging kami na ni Rain.

Hindi ko alam pero isang araw nakita nya akong umiiyak at bigla nalang nya ako tinanong kung pwede na nya ako maging girlfriend.

Yun yung pinakahinahangad ko mula sa kanya pero nung araw na yun hindi ko sya nasagot agad. Nagdalawang isip ako. Pero sa huli, pumayag na rin ako.

"Yes love I'm ready. Tara na?"

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Tara na love." Sobrang sweet nya bilang boyfriend. Lahat ginagawa nya maging masaya lang ako. Walang araw na wala syang ginagawang surprises para sa akin. Consistent rin ang paghatid sundo nya sa akin.

Nung una, nagtaka si Mama kung bakit biglaan na naging kami. Hindi nalang din sya nagtanong. Alam na rin nila ang nangyari sa amin ni Zach at hindi na nila ako pinilit magkwento pa. Si kuya at si ate naman ganun din, nakikita ko ang concern sa kanila pero gaya ni mama hindi na rin sila nagtatanong.




Nasa kotse kami ngayon papunta sa school na papasukan namin. We decided na same school nalang kami para hindi na kami mahirapan. Actually idea ni Rain yun pumayag nalang ako since hindi na rin naman ako mahihirapan sa pagpasok at pag-uwi.

Business Ad ang kukunin nya dahil yun ang gusto ng mga magulang nya dahil sa kanya rin naman ipahahandle ang business nila.

Ako naman, gaya pa rin ng gusto ko. Nag-enroll ako ng Psychology. Yun naman ang gusto eversince e. Ako Psychology sya..

Erase Jeanna. Tama na.

"Ang lalim naman ng iniisip ng mahal ko, sana ako yan?"

"Sino pa ba? Malamang ikaw."

Ayoko malaman ni Rain na hanggang ngayon iniisip ko parin sya.

Lahat ginawa nya para malimutan ko sya. Kaya naman gagawin ko lahat maramdaman lang nya na ok na ako.

"Yan naman ang gusto ko sa mahal ko e. I love you, Jeanna."

Napakabuting nyang tao.

Nung araw na naging kami dapat ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Di ba nga atat ako na tanungin nya ako nun?

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon