"Baby?" Rinig kong tawag sa akin ni Zach.
"Wait! I'm here." Sigaw ko.
Katatapos ko lang maligo. Si Zach naman lumabas at bumili ng makakain namin.
Two days na kami dito sa bahay.
After ng nangyari sa amin, ginawa namin ang kasunduan na JUST THE TWO OF US. No Areeyah. No Rain. Just US.
"San ka galing?" Tanong nya habang inilalapag ang pagkain sa mesa.
"Naligo. Ang init kasi e."
Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Bat di mo ko hinintay?"
"Bat naman kita hihintayin?"
"Ang sungit mo! Buntis ka na baby?"
Nasamid naman ako sa sinabi nya.
"Tarantado ka rin ano?!"
Tumawa sya ng malakas. "Joke lang naman. Napaka-pikon mo talaga."
Pero what if nga? Ngayon lang nag-sink in ang consequences na pwedeng mangyari sa ginawa namin.
"Zach, what if mabuntis ako?"
Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng napakahigpit. "Pananagutan kita syempre. Anong klaseng tanong yan?"
Nanlaki ang mata ko. Parang gusto mahulog ng puso ko sa sinabi nya.
"Paano si Areeyah?" Tanong ko. Hindi ko naman maiwasang di tanungin yun.
"Akala ko ba just the two of us?"
"No Zach, paano nga if magbunga yung ginawa natin?"
Hinalikan nya ang pisngi ko. "Wag ka praning ok? At inuulit ko pananagutan kita."
"Si Areeyah?" Nakayukong sabi ko.
"Ang kulit baby? Haha!"
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Pananagutan kita. Ok na ba?"
Ngumiti ako at tumango nalang.
"Hungry?"
"Yeah. You?"
"Yeah. I wanna eat you.. I mean this pizza. Ano ba yan. Haha!"
"Pervert."
"I know and I'm flattered."
Bakit di nalang kaya ako magpabuntis kay Zach? Pananagutan naman daw pala ako e. Pero bakit ganun nalang kadali sabihin para sa kanya na iiwan nya si Areeyah. Alam ko na mahal nya ito. Bakit?
Hindi kaya kapag sakaling mabuntis man ako pananagutan nya ako dahil kailangan ng ama o pananagutan nya ako dahil naaawa sya sa akin?
Parang ang hirap tanggapin ng mga possibleng dahilan! Ang sakit sa bangs!
"Zach, room muna ako."
Bago ako makaalis hinila nya ako. "Bakit nanaman ba?" Tanong ko.
"Last day na bukas. What do you want to do?" Tanong nya.
"I just wanna be with you. Yun lang solve na ako."
"Yung totoo kasi baby!" Natatawa ako sa kanya!
"Totoo nga! Seryoso ako. Basta tapusin mo lang tong tatlong araw na to. Ok na ok na ako."