Chapter Two
I'm a BitchReys
"I can't believe you survived."
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkaharap ng babaeng 'to. Actually naubos ko na ang isang baso ng lemon juice na in-order namin pero hindi ko pa rin siya kinakausap. I am actually wasting my time here.
Why am I here?
May isang madre na nagtungo sa bahay na inuupahan ko. I recognized her but I can't remember her name. Isa siya sa mga madre na naroon sa bahay ampunan kung saan ako lumaki.
I'm an orphan. Wala ako'ng pamilya o kahit kamag-anak man lang. I was thankful to them because somehow, I survived childhood days until I reached the age that I can live by my own. Umalis ako ng bahay ampunan nang mag-highschool na ako.
"Well, you can me see now," I was sarcastic. If she is really my mother, then I really don't care. Matagal na panahon ko nang tanggap na mag-isa ako.
"I'll cut to the chase. Take this money and leave. Don't ever let me see you again," napatingin ako sa envelope na iniurong n'ya sa akin. Kahit hindi ko pa man din nabubuksan ito, mukhang may idea na ako kung ano'ng laman nito.
"Why? Are you afraid to see the baby you abandoned?" Nakipagtagisan naman ako ng titig sa kanya. I don't even see a glimpse of guilt on her face. Parang siya pa ang galit dahil nakita n'ya ako'ng buhay.
"I was young. Marami pa akong pangarap. Hindi ako handang maging magulang. I was offered a marriage to a rich man."
Napakuyom ang mga kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. I just felt a fire that ignited inside my heart. Somehow, I knew that she was going to say that. But to hear it directly from her is just awful.
"I think that is enough for you to start up," she glanced at the envelope in front of me.
I hate her
Kinuha ko ang envelope sa mesa. As I expected it contained cash.
"I don't need Money" I said. Napangisi ako nang kinuha ko ang cash sa loob ng envelope.
Hinagis ko ang makapal na bundle ng pera sa harapan niya. Mistula namang napako siya sa kanyang kinauupuan. Nakuha rin namin ang atensyon ng lahat ng tao rito sa restaurant.
"I never had your help to survive ever since I was a baby. Bakit ko tatanggapin ang pera mo ngayon?" Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
Naramdaman kong napahiya siya sa ginawa ko at galit na galit na ito. Hindi lang siguro siya makapalag dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Hindi mo ako anak at wala rin ako'ng Ina."
***
Nakakabingi ang mga hiyawan sa Club. Pero mas okay na ito sa akin kaysa tahimik. It's my day off pero nandito pa rin ako sa workplace ko. Kaysa naman nasa bahay lang ako, wala naman si Tin. Panigurado nasa mga customers niyang foreigner iyon. And that woman really ruined my day. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin.
"Give me your best seller shots."
Napatingin ako sa lalaking kararating lang. Umupo talaga siya sa isang upuan. Parang intensyunal na hindi siya tumabi sa akin?
Parang bagong customer ito. May mga regulars na kasi kami at natatandaan ko ang hitsura nila.
"Right away, Sir" tugon naman ng bartender sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)
RomanceRohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost the will to live. One night while he was drinking in a bar, one cunning woman approached him and talk...