HHBW-4

135K 2.2K 23
                                    

Chapter Four
His Distraction

Rohan

    "My brother's friend suffered the same trauma like I have and I am afraid if I will be like him too," tumayo si Cathy mula kinauupuan niya at lumapit sa akin.

    Nababaliw na siguro ako. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang bumisita sa isang psychiatrist na iminungkahi sa akin ng isang kaibigan ko.

    Naenganyo lang ako dahil ang sabi sa akin ni Tyron ay nakikinig lang daw ang doctor niya sa kanya. Maybe that's what I need.

    "Base from what Mylene told me, this is you against your self. I think it is you that is trapping yourself from the past. Kung maari libangin mo ang sarili mo. You can do it. Maybe you need a little bit distraction for a while" she said. Sumandal naman ito sa kanyang table at naghalukipkip.

    "His distraction was sex" I stood up from the chair I was seated which was across to her table. This doctor is just around my age. When I saw her earlier, I was distracted by her outfit. It fits to her and her body shape is visible, I really commend that. Doctors are so sexy. I have fantasies of them too. Sayang nga lang dahil nagsuot naman kaagad ito ng lab gown.

    I leaned my hands on the table, locking her into my arms so I could see her closer.

    "Will you have sex with me?" I was expecting she would feel thrilled by my glares but she sipped into her coffee and acted like what I said was nothing.

    "Well, it could be a distraction but, of course you need to find somebody else," bigla naman siyang bumalik sa kanyang swivel chair.

***

    "I am looking forward to this project with you, Mr. Forbes," Nang makapasok ako sa Conferrence Hall ay nakita kong nag-shake hands sina ni Rowin at Mr. Forbes. Maybe Rowin did a succesful negotiation. I'm seeing his improvements, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko s'ya sa company.

    "You two are real brothers. I commend your skills in business," bumaling naman sa akin si Mr. Forbes at nilahad nito ang kamay niya.

    "I hope you don't expect too much. We still have a long way to go," tinanggap ko naman ang kamay na inilahad n'ya sa akin. From what I perceived he is really satisfied with the project proposal. Hindi naman na bagong reaksyon iyon sa akin ng mga business partners namin but this time, It was Rowin's efforts that made this project possible.

    Ang company namin ay isang outsourcing services. We provide various services to our clients like, consulting, IT services, accounting and many more. We have a lot of customers who owns foreign companies, I can say majority of it.

    "I guess, you're ready to take my position."

    "No. Feeling ko babarilin ko iyong client kapag hindi sila pumayag sa gusto ko," he gasped. Ngayon lang yata siya nakahinga nang malalim, pansin ko rin kanina na kinakabahan s'ya. That was very unusual of him. Rowin is brave and I am usually calm.

    "This is your position. Hindi ko bagay ang maging CEO," dagdag naman nito. Rowin's answer is always the same. Siguro nga hindi na siya naghahangad ng mataas o mas malaki pa dahil may pamilya na siya. Iyon ang kinaiinggitan ko kay Rowin.

    We are not so different upon Mia's death. Both of us are miserable, like the world has reached its end. But Rowin found his salvation, and I never did.

     "While you are enjoying your accomplishment for today, I may have done something terrible last night," hinatak ko ang isang swivel chair at umupo ako. Napahawak ako sa noo ko nang maalala ko ang paglalasing ko kagabi.

    "Ano 'yun? Baka masulusyonan ko, ibang bayad nga lang dahil gagamitin ko ang pagiging agent ko," nang inirapan ko siya ay tumawa lamang ito nang mahina.

    "Nothing, I just want to ask your support if everything gets messed up," napailing-iling na lang ako.

    Nabulabog naman ang sandaling katahimikang bumalot sa aming dalawa nang tumunog ang cellphone ko. It was a call from an unknown number pero sinagot ko pa rin ito.

    "Hello? Is this Mr. Rohan Nieves?"

    "Yes, this is Rohan."

    "Police station po ito, Ikaw po ba ang guardian ni Miss Reyselle Cortez?"

    "No-"

    My response was interrupted with the flash of memories that appeared on my mind-that was last night. I wasn't familiar of that name and I am not a guardian by anyone. That was before last night, before I made a deal with that woman.

    I am a man of my words. I fulfil what I promise. Pero bakit parang gusto ko'ng umurong ngayon? I was drunk last night but I still upheld my sanity... at least half of it.

***

    Bagsak ang balikat kong sinarado ang pintuan ng sasakyan ko nang makarating ako sa Police station. Ilang ulit ko ng tinanong ang sarili ko sa daan kanina kung totoo bang sisipot ako ngayon dito, I guess I don't have to keep asking my self that question since I'm here, taking my way to the entrance.

    Nakita ko siya kaagad sa waiting area. Nakayuko lang ito sa kanyang cellphone at parang binagsakan ng buong mundo. Hindi rin nakaligtas ang tingin ng ilang pulis sa kanya sa front desk. It was obvious that they are talking about her. Because she is currently wearing a red tube dress and a jacket, for someone who goes to bar like me, I'd think she's a bar girl upon seeing her dress.

    Dumiretso muna ako sa loob. Ayaw ko muna siyang istorbohin dahil napansin kong umiiyak ito. I think I should fix her mess first.

    "M-Mr. Nieves!" habang papasok ako sa office kung nasaan ang mga pulis na humahawak ng mga complaints ay may isang matandang pulis ang gulat na tumawag sa akin. Hindi ko siya kilala pero siguro kilala niya ang kapatid ko.

    "B-Bakit po kayo nandito?" nauutal pa ito nang makalapit ako sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala na nandito ako ngayon, ako rin naman hindi makapaniwala. I won't blame him for that.

    "I got a phone call from one of your men, iyong babae sa labas, ako ang guardian niya."

    Napatingin kaagad ito sa lalaking nasa harapan ko. Binasa ko kasi iyong name plate sa lamesa at ito iyong sinabi niyang pangalan sa tawag kanina.

    "Siraulo ka ba? Kapatid iyan ni Nieves!" binatukan niya nang walang pasabi ang lalaki kaya nanlaki ang mga mata nito.

    "Iyong nasa Agency?" Napapikit na lang ako nang pareho silang nag-panic. My brother's quite popular among the police.

    "Fine, stop that," iritang saad ko upang matigil sila sa pag-aaway sa harapan ko.

    "Okay na po, Sir. Hindi niyo na kailangan magpaliwanag. Iuwi na lang po ninyo iyong girlfriend ninyo," lumapit naman sa akin ang matandang pulis na nakakakilala kay Rowin.

    "Okay, then... I have a question," tumikhim ako at nakipagtagisan ng tingin sa officer na tumawag sa akin kanina. Mukhang nasindak naman ito sa mga titig ko.

    "Puwede rin ba ako'ng magreklamo para ro'n sa mga pulis na nasa front desk?" Nagtinginan naman silang dalawa no'ng matanda.

***

His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon