Chapter Twenty-Three
A Walk in the Lonely NightReys
"Totoo ba 'yon? Si Rohan at Miss Nyssa? Wow naman! Bagay na bagay sila," hindi nakaligtas sa pandinig ko ang usapan ng tatlong babaeng kasunod ko sa pila rito sa cafeteria kung saan sana ako bibili ng kape.
Hindi naman ito ang unang beses na narinig kong may naguusap tungkol sa kanila. But I never confronted Rohan about it, bakit naman? Bakit naman ako magtatanong eh wala naman ako sa lugar...I should be thankful that he's helping me.
But yeah, I'm dying to ask him.
Nang makakuha ako ng coffee ay umalis na ako. Puro mga chismisan lang ang naririnig ko. Pagkalabas ko ng elevator ay dumiretso ako sa hallway papunta sa office ni Rohan. Medyo late na nga itong coffee niya, he must be waiting for it.
Ang chismisan sa cafeteria kanina ay sapat na para masira umaga ko, hindi ko naman inaasahan na madadagdagan pa ang bwisit sa umaga ko nang matanaw ko ang magaling kong nanay.
"Have you heard the news?" Talagang tumigil pa siya sa gitna para lang kausapin ako.
"That your lovely daughter is in a relationship with Rohan," I smiled
"I hope you know your place," pinagtaasan ako ng kilay nito. Hindi ko alam kung hanggang saan ang tinatagong kamalditaan ng isang 'to. Malapit ko nang isiping kasing edad niya lang ako dahil sa pag-iisip niya.
"I hope you know too," I smirked trying to provoke her. It's not like I'm letting her have the upper hand all the time. Lalakad na sana ako paalis nang bigla niya akong hinawakan sa braso.
"My place isn't something that you have to tell," nakaigting pangang saad nito.
"Ikaw ang wala sa lugar, you're a slut!"
Hindi ko ininda ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sumunod niyang sinabi. That is way too much to say to me, lalo na't anak niya ako at tinapon niya lang ako nang bata pa ako.
Binuhos ko sa damit niya ang kapeng hawak ko. Nabalot ang damdamin ko ng galit, it seemed like I wanted to do more than that.
Napasigaw naman siya dahil mainit na mainit ang kapeng binuhos ko sa kanya.
"Mom!" mula sa likuran niya ay nakita ko si Nyssa na tumatakbo palapit sa kanya. Itinulak niya ako na sanhi ng pagkaatras ko.
They looked like a real mother and daughter.
Bilang isang anak, nakakatuwa bang makita ang magulang mong inaalagaan ang ibang tao samantalang inabandona ka niya, bata ka pa lang?
I don't know what pisses me off anymore.
"What the hell? Sino ka para buhosan ng kape ang Mommy ko!?" lumingon sa akin si Nyssa at tinaponan ako ng mga nanlilisik na titig niya't tinignan ako mula ulo hanggang paa.
I don't always feel good when people look at me from head to toe...dahil parang alam ko na ang susunod nilang sasabihin.
"'Di hamak na prostitute ka lang naman at wala kang karapatan umapag sa ganitong lugar. You don't even have the right to breathe the same air with us!"
"Hindi mo dapat ako kinakausap ngayon, ba't hindi mo tanongin sa magaling mong Nanay kung gaano kainit ang kapeng binuhos ko?" dahil ayaw kong magpadala sa emosyon ko, nanlaban ako. I know it might not be the right thing to do, but I'm not going to cry in front of these people.
I'd rather be the bad bitch until the end.
Nagulat na lang ako nang bigla ako'ng sinampal ni Nyssa nang pagkalakas-lakas, halos hindi ako makatayo nang tuwid dahil parang nahilo ako nang kaunti.
BINABASA MO ANG
His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)
RomanceRohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost the will to live. One night while he was drinking in a bar, one cunning woman approached him and talk...