Chapter Five
SalvationReys
Katatapos lang ng trabaho ko sa bar nang mapagdesisyunan kong dalawin si Moira sa hospital. Gusto kong makausap ang doctor niya tungkol sa kidney transplant. Dahil pahirapan ang pagkakaroon ng donor ay humahaba ang pila para rito at kung wala kang pera ay hindi naman sila papayag na ibigay iyon sa 'yo. After I accepted the deal with that man, I am relieved. Dahil sa wakas magkakaroon na ako ng perang ibabayad sa operasyon ni Moira. Balita ko rin ay may donor na ng kidney.
Nang makarating ako sa bungad ng silid ni Moira ay nakita ko ang ilang nurse na tumatakbo papunta roon. Kinabahan agad ako, napakasama ng kutob ko kaya naman tumakbo ako nang mabilis papasok sa silid ni Moira.
Mistulang natigil ang mundo ko... Naging bingi ako sa lahat ng tunog sa paligid ko.
Gusto kong maniwala na panaginip lang ito.
Na hindi nila inaalis ang mga tubo'ng naka-saksak kay Moira.
Na hindi na sumasagot si Moira habang tinatawag nila ito.
Sumagot ka, Moira. Imulat mo ang mga mata mo, nandito na si ate.
Tatakpan na sana nila ng kumot ang kapatid ko pero maagap ko silang napigilan. Hinawakan ko ang mukha ni Moira na ngayon ay napakaputla na. Malamig ang mga palad nito at parang napakahimbing na ng tulog. Kahit gusto ko siyang tawagin pabalik ay parang nadudurog ang puso ko. She looks peaceful, kumpara noong mga panahon na nagda-dialysis siya. Ngumingiti lang siya sa akin pero alam kong masakit at nahihirapan na siya. Pakiramdam ko ay lumalaban lang siya nang dahil sa ayaw ko siyang isuko.
Pero hindi ko kayang tanggapin na mamatay na lang siya nang gano'n na lang.
"Moira..." yinakap ko s'ya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Wala nang natitira para sa akin, Wala ka na. Wala na ang dahilan para sa lahat ng sakripisyong ginagawa ko.
Naninikip ang dibdib ko at nag-uumapaw ang galit ko. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa mga susunod na araw.
"Miss Cortez," hinawakan ako ng Doctor pero nagpumiglas ako. Nang tinignan ko siya ay nagdilim ang mga mata ko.
This is the Doctor who kept promising us that Moira is next in-line for the transplant. Pero halata namang pinapasingit niya iyong mga naglalagay at maraming pera.
Iyon ang hindi ko matanggap. Dahil mahirap ka, wala ka ng karapatang gumaling. Dahil mahirap ka, hindi ka na uunahin ng mga doctor na ito.
"Hayop ka!" Napasigaw ako, susuntukin ko sana siya pero hinawakan ako ng mga Nurse.
"Sinabi ko sa 'yo na dadalhin ko iyong pera!" Napahikbi ako. Gusto ko siyang saktan hanggang sa mag-dugo siya. Kasalanan niya ito! Alam ko'ng may pinasingit na naman s'ya.
"Sinabi ko'ng magababayad ako sa 'yo! Sinabi kong gawin mo na lang ang operasyon!"Pilit nila akong pinigilan kahit ano'ng gusto kong paglapit sa kanya "Pinatay mo ang kapatid ko!"
"Hayop ka!" Pinagbabasag ko ang mga gamit doon. Hindi ko matanggap. She would have been alive if I have the money...she would have survived.
***
I ended up into the precint. Hindi pa nga umaapaw ang galit ko sa Doctor na iyon. Idagdag mo pa ang malalaswang tingin ng mga pulis dito. Alam ko namang ako ang pinaguusapan nila dahil nakikita ko sa bar ang ilan sa kanila. Dapat ay kasama ako ng kapatid ko ngayon. Pero nandito ako at pinapulis ako ng Doctor na iyon.
Tinungo ako ng officer na kumausap sa akin kanina sa rito waiting area ng pulis. "Cortez, puwede ka nang umuwi."
Hindi ko s'ya tinignan at kaagad ako'ng tumayo at lumabas ng station. Kailangan ko'ng makabalik sa hospital. Hininhintay na siguro ako ni Moira.
Tinignan ko ang cellphone at nakita ko ang text message ni Tin sa akin na siya na ang nagpunta sa morgue para kunin ang bangkay ni Moira.
Nangalumbaba ako sa tuhod ko nang unti-unti na naman ako'ng atakihin ng realidad na wala na nga si Moira.
"Moira..." napaiyak ako habang napahigpit ang hawak ko sa cellphone... Kung mayaman lang sana ako at hindi ako nagtratrabaho lang sa bar at naibigay ko lahat ng pangangailangan niya. I lived with this shame all of my life. Pikit mata ko itong tinanggap dahil ito ang pangkabuhayan ko. I needed to think Moira's needs.
"I was looking for you," napahinto ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kaagad ako'ng napatayo at lumingon sa likuran ko. I haven't even think about how I was able to get out. Kaninang nasa prisinto ako ay ang business card niya ang ibinigay ko. After all, I have no other people on my side. Si Tin naman na inaasahan ko lang ay pinaiwan ko sa hospital. Naisip ko kung tunay ang deal namin ng gabing iyon ay sisiputin niya ako rito.
"Alam mo kung bakit namatay ang kapatid ko?" napasinghap ako.
"Dahil wala kaming pera. Siguro pagtatawanan mo na ako ngayon, pero desperada na talaga ako. Desperada na ako'ng makaalis sa kahirapan. That's why I am offering my self—"
"I'm the one who proposed the deal," naudlot naman ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita at nilakasan niya ang boses niya.
"And I stand firm on my words. I am the one who's offering a different life and I am the one who's asking for your self in return."
Nakaramdam ako lalo ng kirot sa dibdib ko. Alam kong halos wala nang natitira sa dignidad ko, but his words managed to save some of it. I was about to say that I am officially offering my self to him in exchange for the luxurious life I wanted.
"Go to your sister. I hope you can send her away properly."
Hindi ko na magawang tumingin sa kanya nang lumakas ang pag-agos ng mga luha ko.
"Right. I should be with her..." I whispered. Pinunasan ko ang mga luha ko at humugot ng malalim na hininga. Moira wouldn't want to see me like this.
"And after that, prepare yourself..." sinundan ko naman siya ng tingin nang maglakad siya at nilagpasan niya ako.
"For what?" I asked.
"For your rebirth. After your sister's burial," gumilid ito ng kaunti upang silipin ako saglit. "I'll change your life."
***
BINABASA MO ANG
His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)
RomantizmRohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost the will to live. One night while he was drinking in a bar, one cunning woman approached him and talk...