Chapter Thirty-Five
The Truth Willl Not Always Set Us FreeReys
Nagtungo ako sa office ni Attorney Jeana para kausapin siya tungkol sa kaso ko. She kept texting me these few days. Naramdaman ko namang nais niyang irespeto ang desisyon ko kaya hininhintay niya ang sasabihin ko.
Then I realized that no matter how many times I try to defer my decision, I'll have to face it eventually. And this time I have the call that will change both of our lives.
Nang makapasok ako sa opisina niya ay hindi niya ako inimik. Pinagtimpla niya ako ng kape at tahimik lang kami sa loob.
Nang matapos siya ay nilapag niya ang kape sa mesa at umupo sa couch sa tapat. She observed me for a few seconds before she talked.
"I know everything and I know what to do as a lawyer but you're my client."
"Buong buhay ko, sinisi ko ang rapist ko na siyang dahilan kung ba't naging ganito ang buhay ko," panimula ko.
"Pero sa totoo lang, hindi naman niya kasalanan ang lahat," napakuyom ang mga palad kong nakapatong sa mga hita ko. "It was me who didn't move forward. I was raped but it doesn't mean that I have to stay miserable for the rest of my life," kusang lumuha ang mga mata ko.
I have been thinking a lot about this...for a long time. Palagi kong sinasabing salungat ang kagustohan ng mundo sa mga gusto ko, pero ako lang naman ang naniniwala n'on. I was the one who's stagnant and stayed broken for a long time.
I could've fixed my self... and led a good life. Pero masyado ako'ng nagpaapekto sa buhay na walang pamilya at inabuso ng mga tao sa paligid ko.
"It was all an accident, so stop blaming your self, Reys..." mahinahong sabi ni Jean.
"Gusto kong...iurong 'yong kaso. I know its wrong but I don't want to see him fall apart again. At alam kong pagsisisihan ko ito nang matagal na panahon at maaring hindi ko na patawarin ang sarili ko oras na may mangyari pang masama sa kanya. I'd rather live with my miseries than to have regrets for a lifetime thinking I could've have done something."
***
Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko ang kalat sa sala pagdating ko ng bahay ni Tin. Nag-party na naman siguro sina Tin dito kagabi kasama ang mga lalaki niya. Kumuha ako ng plastic bag at doon nilagay ag mga kalat. Naglinis na lang din ako, ayaw ko namang gisingin si Tin dahil panigurado ako'ng umaga na iyon natulog.
Nadistract ako sa tunog ng doorbell. Who could it be?
Nang buksan ko ang pintuan ay hindi ko inakalang makikita ko si Meryl do'n.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" gaya ng dati ay tinapunan ko siya ng mga nanlilisik kong titig.
"I just...want to talk," I was surprised a bit upon hearing her calm voice, and the more I stared at her, I couldn't find those defying gaze she always gave me.
Pinapasok ko siya sa loob. Pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya habang nagtitipla ng kape. Kung 'di ako nagkakamali ay nandito na naman siya upang balaan ako'ng layuan si Rohan.
"Here," malamig kong saad at nilapag ang kape para sa aming dalawa.
"I heard about what happened to you, nakausap ko si Rohan dahil sa nangyari sa kanila ni Nyssa."
"And?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
"My husband and I withdrew from his company. Nyssa chose to take MBA so she is leaving with us tomorrow," Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya. Mula nang makita ko ulit siya ay ni minsan hindi ko na ginustong magkasama pa kami. She's got her own family and I may have accepted that long ago.
But I felt a something pinching my heart upon hearing the fact that she's going away...again.
"May sakit na rin ang asawa ko at kailangan ko siyang ipagamot..."
"Is that what you all wanna say?" I asked.
"I came here because...I may be also someone to be blamed of what happened to you. Walang kapatawaran ang ginawa ko dahil iniwan kita, pero..." nagulat na lamang ako nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay kong nakapatong sa hita ko.
"Sinubukan kitang hanapin, pero hindi na kita mahanap."
"Ano sa tingin mo ang magagawa ng pag-amin mo?" bumitaw ako sa kanya at napatayo.
"It was my fault," napalunok ito. Nagiwas ako ng titig sa kanya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat galit ako pero bakit ko pa natitiis ang pakikipag-usap sa kanya.
"I should have been more brave," I felt her voice was trembling.
"I was like you too and I was afraid that you will be like me," napakunot ang mga noo ko sa sinabi niya.
"I am a bar girl. I have no family. Nabuntis ako ng daddy mo. . We loved each other.." She sniffed "But I left and it was the best for us," napaupo na lang ulit ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Wala ako'ng pera, wala akong trabahao. Ayoko nang bumalik sa bar dahil delikado para sa ating dalawa. You were sick and you needed to stay at the hospital but I don't have the money. Binenta ko ulit ang katawan ko pero hindi naging sapat hanggang nakilala ko asawa ko ngayon. He offered help but in return, I'll be his woman." Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. This is so different from our past talks. Even the Meryl I am seeing right now.
"Pero hindi niya gustong isama kita, gusto niyang bumuo kami ng sarili naming pamilya. Kaya iniwan kita sa bahay ampunan para kapag may pera na ako babalikan kita. I swear that was my plan," napahagulgol ito.
Natulala ako ng ilang segundo, hanggang sa naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong nanakit.
I always longed for the love from a parent. Pero wala ako no'n. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay parang nawalan ako ng karapatang pangaraping magkaroon ng mahal sa buhay.
Maybe the core of my emptiness is that I didn't had a family who could have guide me and catch me everytime I fall...
I heal myself alone... I get up alone and I survived alone.
The feeling of getting up ever fall down was the best but there is still missing. Iyon ay ang mga taong nakaabang sana sa 'yo tuwing babangon ka ulit.
"H-Hindi ko...kinailangan ng magandang buhay," halos paos na ang boses na pinakawalan ko. At first, I refused to talk but no matter how I think about it, I should say it out loud.
"Kailangan ko ng Ina, pero wala ka. At no'ng nakita na kita, kahit papaano inisip ko na makakatanggap ako ng yakap sa 'yo o paliwanag pero pera ang iniabot mo sa akin. Oo, galit na galit ako sa 'yo, pero sino'ng anak ang hindi nangangailangan ng magulang? It was late, but I could have learned to understand you more. Pero pinili mo ang anak ng iba at ang pamilya mo. You treated me like a sin you never wanted to remember..."
Tumayo ako habang nakatingin pa rin sa kanyang umiiyak habang nakayuko. "Kaya kitang patawarin pero hindi pa sa ngayon..." ang sabi ko bago ako naglakad papasok sa loob ng kuwarto ko at doon ko ibunuhos lahat ng kinikimkim kong bigat sa loob ko.
The truth hurts...and it can't set me free from my miseries.
***
BINABASA MO ANG
His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)
RomanceRohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost the will to live. One night while he was drinking in a bar, one cunning woman approached him and talk...