HHBW-39

69.1K 1.2K 58
                                    

Chapter Thirty-Nine
The Life He Always Wanted

Rohan

6 Years Later...

Tirik na tirik ang araw habang naglalakad ako sa para pagmasdan ang kalawakan ng taniman. Kasalukuyang nagpapatubig kasi ang mga magsasaka dahil tag-init na at natutuyo na ang mga lupa.

Sinuot ko ang sombrero kong nakasabit sa leeg ko at lumapit sa kanila.

"Sir, kumusta po tulog niyo? Nalasing po yata kayo nina Ronaldo kagabi?" bungad naman ni Ferrer sa akin.

"Okay naman, nagbigay si Aling Tinya ng sinigang na baka kanina kaya nahimasmasan na ako..." natatawang sagot ko.

Muli ako'ng napatingin sa buong lugar. This place reeks of peace, it eases my mind. I left my job to Rowin 4 years ago. He's doing great, actually. I was surprised when he's able to handle the stress, normally mabilis iyong mainis kaya hindi niya ginustong magtrabaho sa company namin but probably having a family changes that. Gusto rin niyang mag-settle na at iwan na ang trabaho sa agency.

I chose to stay here in Ilocos. Mayro'n kaming hacienda pero kamag-anak namin ang naging caretaker over the years. I am glad that I came here. This place gave me the life I've always wanted. Totoo pala iyong mga sabi nilang masaya ang buhay probinsya. Ang simpleng tanghalian naming ay parang pyesta. Maraming bagay ang pinagkaiba ng buhay dito sa buhay sa syudad.

The life here is more simple yet it is fulfilling for me. Natuto ako'ng magsaka at mag-alaga ng mga hayop dahil iyon pangunahing hanapbuhay dito.

"Pananghalian na! Kain na!" Napalingon kami kay Aling Tinya na taga-luto ng kakainin ng mga magsasaka.

"Sir, tara na!" masiglang sabi naman ni Ronaldo at napatiuna sila sa paglalakad.

Samantala ay namataan ko naman ang dalawang body guard kong nakadistino rito sa hacienda.

"Sir, tawag po mula kay Rowin," binigay niya iyong cellphone niya sa akin. Napangisi na lang ako nang hinawakan ko iyong cellphone.

"Hello? Rohan?" medyo nagulat pa ako dahil pasigaw ang pagkabungad niya sa akin.

"Hello, ako 'to."

Nakrinig pa ako ng iyak ng bata nang hindi na siya sumagot.

"H-Hello?"

"Ano? bilisan mo na kasing sumagot, umiiyak na anak mo. Nasa'n ba si Lianne?" ang sabi ko naman sa kanya.

"May duty si Lianne sa hospital, kinuha ko muna si Reya kasi nasa school si Riley. Wala naman ako'ng masyadong trabaho pero sa mga susunod na araw busy na ako, kaya pwede bang ikaw na ang pumunta sa kasal ni Ninong Bobby? Sinabi ko kasi no'ng nakaraan na ako lang ang puwedeng makapunta kasi nasa probinsya ka pero mukhang malabo na ako makasipot. Nakakahiya naman nangako ako'ng may sisipot na isa sa atin."

Napalakad ako nang pabalik-balik at nag-isip. Ang tagal ko nang hindi nag-travel. Hindi rin nasagi sa isip ko iyon dahil na rin sa mga trabaho rito.

"Ang layo naman kasi...sa Australia pa iyon 'di ba?" napahinto ako sa paglalakad.

"Oo nga, ang dami ko na masyado maiiwan dito kapag ako aalis. Ikaw na lang, ilang araw lang naman iyon."

"Sige pag-iisipan ko pa," agad ko nang pinatay ang tawag. Siguro minumura na ako n'on.

***

I skipped drinking for today. Lumabas ako ng kubo dahil mukhang nakainom na ang mga kasamahan ko. Umaalingaw-ngaw na ang nakakarinding boses nila sa videoke. Nakakatawa na nakakainis dahil bantay pa sila ng mga asawa nila.

Napatingin ako sa itaas, medyo maliwanag ang kalangitan ngayon. Napakaganda ng mga bituing kumukutitap. Parang niyayakap ang puso ko tuwing pinagmamasdan ko sila.

Nasa'n parte ng mundo kaya siya ngayon?

She's too far to reach...

It's been a long time since she left but my heart couldn't forget.

I'm finally living my life without regrets...without burdens and I am now free. Maybe this is the kind of life I've always wanted. And if wasn't for her, I would'nt have this. We are both each others painful past but I know by now, we were a great part of the hope we have today.

Even though I am living a life with satisfaction, I'd still wish every now and then that we could meet again and that whenever I stare at the starry night, she'd be staring at it too...bearing the same feelings with mine...but that is impossible by now. She must be living a good life with somebody else.

But...

I still love her, even though she's gone...

His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon