Chapter Fifteen
Make me stopReys
"So sinasabi mo sa akin na ni-rape ka kagabi? Mailalarawan mo ba ang taong gumahasa sa 'yo?"
Hindi ako nakasagot sa pulis. Gulong-gulo ang utak ko at hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Sumugod ako rito nang wala man lang plano. Dahil wala ako'ng ibang maisip na hingian ng saklolo.
Nangyari na ang kinatatakutan ko kagabi. Hindi ko man lang naipaglaban ang sarili ko. Pagkagising ko ay wala ako'ng nadatnan na kung sino man sa silid. Ang huling ala-ala ko lamang ay pinasok ako nang sapilitan ni Sir Emil sa silid. Hindi ko man lang maalala ang mukha ng lalaking gumahasa sa akin.
"Hoy, bata, hindi ka makakapagsampa ng kaso kung ito lang sasabihin mo. Aba, ay hindi sapat na nagahasa ka lang."
"Tulungan niyo po ako," nagpamakaawa ako sa pulis, pero walang bahid ng pag-aalala o kagustohang tumulong ang mukha niya. Sa palagay ko ay isang dagdag problema lang sa kanya ang pakikinig sa akin. Isa siyang inutil na pulis.
"Biktima na naman siguro ito ng iligal na droga, hoy bata umalis ka na rito. Kung babalik ka pa rito, ikaw na mismo ang ikukulong ko," nagulat na lang ako nang bigla niyang hinampas ang lamesa. Ang pagdabog niya ay naging hudyat ng mga alipores niyang kaladkarin ako palabas ng police station.
Hindi man ako sigurado, pero umaalingaw-ngaw pa rin ang boses ng lalaking iyon sa isip-isipan ko. Madilim man ang silid kagabi ngunit mayroon pa rin ako'ng kaunting nasilayan sa hugis at anyo niya. Kung pagtatagpiin ko lahat ng ito, isang tao lang ang maiisip ko.
"Reys are you listening?"
Rohan's voice called me back to the present. Nahinto ang sasakyan namin sa tapat ng police station dahil sa traffic. Nakita ko ang pagdating ng sasakyan ng mga pulis dala ang mga babaing nakatalukbong ng twalya. Base sa kanilang mga damit, sila ang nagtratrabaho sa bar at marahil biktima ng iligal na droga.
"I need you to find a good restaurant and make a reservation for our scheduled meetings. It's up to you to decide which restaurant would be the best for us. I'm fine with any," iniabot naman sa akin ni Rohan ang isang puting folder.
I agreed to Rohan's idea that I should just work for him as his personal assistant. Isa pa, ito na iyong pagkakataon kong tumakas sa buhay ko sa Bar. I'd accept anything but I don't want to go back to that kind of life.
Ilang oras din ako naghanap ng restaurant. Ang dami kasing naka-schedule na meeting ni Rohan, may oras pa ba siyang magpahinga? Sobra naman magpayaman ang isang 'to.
Well, at least this is my last for today. Uuwi na ako at magbababad sa bath thub ni Rohan na napakalawak. I can also my wine and relax.
Nang makalabas ako sa restaurant ay may isang sasakyan sa tapat na bumusina sa akin. Nang matapat ako sa bintana ng kotseng iyon ay bumaba ang glass windows nito.
"Get in the car,"
Kung may tao talaga ako'ng hihilingin na sana ay maglaho na nang tuluyan sa buhay ko ay ang Nanay ko.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Mukhang may lakad ito dahil bihis na bihis siya. Lumabas din ang driver niya nang sinenyasan niya ito.
I hate that she's living a good life while my whole life has been miserable. Kahit kailan talaga ay hindi ako makukumbinsing patawarin siya.
"I'll double the money and provide what ever it is that you need, just get the hell out of this place."
BINABASA MO ANG
His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)
RomanceRohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost the will to live. One night while he was drinking in a bar, one cunning woman approached him and talk...