Chapter Twenty-Four
Deepest FearsReys
Sobrang bigat ng ulo ko nang magising ako. Pagkatapos ko pala uminom kagabi ay dumiretso ako sa bahay ni Tin.
Napatingin ako sa sala, tulog pa rin sina Tin at ang ibang kasamahan namin. The house is a mess. Bagong bahay kasi itong kay Tin, medyo mas malawak at puwede nang mag-party.
Kamuntikan ko nang maapakan ang gamit na condom sa sahig na may tumutulo pa. Shit. Don't tell me, Tin fucked all those three guys? No Way.
Napatingin ako sa orasan. Oh God! Late na ako sa office.
Nagmadali ako'ng kinuha ang mga gamit ko at nag-ayos. Wala na ako'ng time umuwi sa bahay ni Rohan para mag bihis.
Naligo na ako dito sa bahay ni Tin. Tumingin na lang ako ng medyo disenteng damit niya at 'yon na lang ang sinuot ko papuntang office.
Nang makapasok ako sa office ay dumiretso ako sa cafeteria. Napansin ko ang mga taong tumitingin sa akin. Bakit ganyan sila makatingin? Tinignan ko pa sa salamin kung may dumi ako sa mukha, wala naman.
What the hell is going on?
Nakikita ko pang nagbubulungan 'yong ibang tao tapos tumitingin sa akin.
Naisip kong pumunta sa CR.
No'ng nakapasok ako ay pinagtinginan na naman ako no'ng mga babae ro'n. 'Tapos no'ng tumabi ako sa may powder area ay umalis 'yong dalawang babae, hanggang sa lahat sila ay nagsialisan.
Bakit ganito ang mga tao rito?
Nagpunta ako sa office ni Rohan sa itaas. Hindi ko na pinansin ang mga taong tumingin sa akin.
"Ma'am, sorry po. Pero hindi po kayo puwedeng pumasok d'yan," bubuksan ko na sana 'yong pintoan pero hinarang ako no'ng secretary ni Rohan
"Why? I work for this guy," napakunot-noo ako.
"Naguusap po kasi sila ni Miss Nyssa. He told me not to let anyone inside for the mean time."
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko ng narinig kong sinabi niya iyon.
Mayro'n ako'ng hinala kung bakit gano'n ako i-trato ng tao sa ibaba kanina. I definitely know those stares, nandidiri, naiinis at ikinakahiya.
I won't be able to talk to Rohan ny anyway. Kaya nama natungo ako sa elevator.
"'Yan ba 'yon?"
"Grabe, hindi ko inaakalang gagamitin talaga niya ang talento niya para makapasok dito."
"Nilalandi pa niya si Sir Rohan, hindi na siya nahiya."
Ito kaagad ang bumungad sa akin sa elevator. Tahimik ako'ng pumasok, pero kahit ano'ng hina ng bulungan niya ay nahahagip pa rin ito ng pandinig ko.
"Binuhusan pa raw niya ng kape 'yong mommy ni Miss Nyssa. Balita ko ay business partner pa nila ito."
"Grabe! Bakit naman niya ginawa iyon?"
"Iba na talaga ang mga pokpok ngayon. Kakapit na sa mga mayaman at kahit may sabit. Grabe nakakadiri. Dapat sa Bar lang 'yan. 'Di siya nararapat dito," Nang bumukas ang elevator ay lumabas na lang ako kahit hindi naman dito ang destinasyon ko.
I was to neglect everything I am hearing. Pero Napatigil ako sa paglalakad. Dahil sobrang sakit na ng mga naririnig ko.
I took the stairs since no one is here. I was able to take my time and cry silently as I walked down the stairs.
BINABASA MO ANG
His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)
RomantikRohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost the will to live. One night while he was drinking in a bar, one cunning woman approached him and talk...