CHAPTER 10

172 11 3
                                    

***

FRANCINE's POV

We're currently in Ela's room and the owner is still sleeping so soundly... with a child! We are gatecrashers! This is really my idea to come over because I want to know if she's fine due to her ankle sprain.

We planned to surprise her pero mukhang kami ang na sorpresa.

Maiba ako, Ela is like a goddess and demure. She even looks hot while she sleeps with her night gown on kaya bago namin papasukin ang boys ay binalutan muna namin si Ela ng comforter.

*pok*

"Aray naman! Bakit ka ba nambabatok!?" Singhal ko kay Jia sa marahan na paraan.

FYI! Nagkakamali kayo ng iniisip about sa kanya. She may look demure on the outside but in the inside, she's evil and a witch!

"H'wag mo nga akong masigaw-sigawan! Mas matanda ako sa'yo ng ilang araw kaya you should respect me!"

"Magkaka edad lang tayo dito kaya wala 'yon sa birthday. Paki ko ba kung mas matanda ka ng ilang araw? Pati bakit mo ba ako binatukan!?"

"Kung makatingin ka kay Ela parang pinagpa-pantasyahan mo na a! Ano nato-tomboy ka!? Dinaig mo pa ang lalaki kung makatitig! Anong silbi ko dito kung hindi ako ang titingnan mo!? Hello!?"

Ang kapal din nga naman ng isang 'to! Grabe gusto niya na siya ang titigan ko. Lakas niyang mangarap! Porque ang pungay pungay ng mga mata niya! Nako, Jia! Don't me!

"Ikaw!?"

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at talagang dinuro duro ko pa siya sinama ko narin pati buong pagkatao niya para over all.

"In your dreams!"

"Kapag hindi pa kayo tumigil, malilintikan kayo sakin. Alam niyo ng may natutulog e." Saway ni Monique. Bratatatat na naman ang bunganga nito. Tatalak na naman ng tatalak ang manok na pula.

"Masama bang magandahan sa kanya!? Huh!?" I pouted.

"Sabi ng h'wag sumigaw e! Anong tingin mo sakin!? Bingi!?"

Red cloth please! Minsan malakas din ang sapak ng babaeng 'to. H'wag daw sumigaw e siya nga itong nangingibaw ang boses sa aming tatlo ngayon.

Nagulat kami dahil sa biglang pag-imik ni Ela.

"I can hear you. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis na nandito kayong lahat." Tatawa-tawa nitong tugon.

"S-Sorry." Sabi ko sabay peace sign.

"It's fine. Just wait for us. My baby and I will just wash up."

Baby? Anak niya!? G to the O to the S to the H!

Inalalayan niya ang bata sa pagbaba ng kama at dumiretso sa banyo. Bagay naman siyang maging nanay because of her figure. She looks matured for her age but for Pete's sake, she's only seventeen!

Maya maya din ay lumabas na sila. Dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko tinanong ko na siya agad.

"Sino siya?"

"She's Shanaya Lopez." Agad ko namang nilingon si Shanaya at lumuhod para makapantay siya.

"Hello, Shanaya! Ako nga pala si Francine." I smiled at her.

She's so cute, lalong lalo na ang rosy cheeks niyang matatambok!

"A-Ate Frantin (Francine)."

"Ako naman si Jia." Pagpapakilala ni bruhilda at tsaka naman itinuro si Monique. "At siya naman si Monique."

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon