CHAPTER 47

111 3 0
                                    

***

DANIEL's POV

Habang nagpapahinga sa gilid ng puno ay napakamot na lamang ako sa batok nang maramdaman sila sa likod ko. Katatapos lang naming kalabanin ang mga elite. Sobra akong napagod pero ayaw ko nang ipinapakita iyon sa iba. Mas gusto ko ang sina-sarili nalang dahil sino pa ba ang mag-aangat sa sarili ko? Hindi ba ako lang rin naman?

Pumunta sina Jerome at Jhairah sa minor battle malapit sa bagong base ng Medical team para bantayan ang ibang mga Sais doon na nagpapagamot.

Hinarap ko sila Mom, Dad pati ang kapatid kong babae na nakasimangot. Bigla kong napansin na biglang naging abot langit ang ngiti ng kapatid ko. Trip na naman siguro ako nitong asarin at isa pa, ayaw ko ng matagal na nakikipag-usap sa kanya dahil walang tigil sa kakangawa ang bibig niya. Mas matanda ako sa kanya ng apat na taon, fifteen siya habang ako naman ay eighteen turning nineteen. Pero kahit na gaano kadaldal ang kapatid ko masasabi ko parin na mahal na mahal ko siya. Every brother can understand what I mean.

"Mom, alam niyo naman kung gaano ka-delikado dito tapos dinala niyo pa sa Daniela. Paano kapag napahamak siya?" May pagkairita kong tugon.

"Hay nako! Umiral na naman 'yang pagiging protective mo sa kapatid mo. Ano bang tingin mo sa kanya? Bata parin ang pag-iisip? At alam mo naman na hindi namin hahayaan na may mangyari sa kanyang masama. Wag kang mag-alala at sa minor battle ko lang siya ilalagay."

My sister hugs me. Magpapa-cute na naman ito sakin para payagan ko siya pero sorry at mukhang hindi ako nadadala sa kahit ano mang pagmamakaawa na gagawin niya.

"Sige na Kuya, para naman may maitulong ako. Pinauwi kasi kami ni President dahil minor pa raw ang age namin para sa mga malalaking battle katulad nitong war pero believe me Kuya, sa minor battles lang talaga ako. Kahit pa samahan mo akong lumaban para malaman mo na hindi ako susuway sa pangako ko sayo."

"Daniela, wag mo akong idaan sa ganyan. Alam mong hindi umuubra sakin ang mga pagpapa-cute mo."

Napasamingot siya sa sinabi ko.

"You're so mean!"

Umakto pa siyang nagiiyak-iyakan sa harap ko. Ang kulit talaga! Hindi parin talaga niya makuha na mahigpit akong magbawal sa kanya lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Payagan mo na siya, anak. Alam mo naman na gusto ka lang niyang maging proud para kanya. Pareho tayong against sa desisyon na ito pero alam naman natin na dadating rin sa punto na kailangan niya ring makipaglaban." Pangungumbinsi naman ni Dad.

Siya lang ang nakakaintindi ng nararamdaman ko kasi pareho kaming lalaki. And bilang panganay ay tungkulin ko ring protektahan ang pamilya ko. Kami lagi ni Papa ang inaasahan nina lolo kapag may mga problemang ganito dahil kami lang dalawa ni Dad ang lalaki sa buong pamilya. Nag-iisa siyang anak na lalaki nina lolo at lola. Tatlo silang magkakapatid nina Dad, siya rin ang panganay sa mga ito, at sa aming magpi-pinsan ay ako lamang ang lalaki. Ang anak kasi ng mga tiyuhin at tiyahın ko ay parehong babae, mga only child. Sina Dad at Mom lamang ang may anak na dalawa at kami iyon ni Daniela.

"Nga pala Kuya, nasaan na si Ate Hazel? Tinuloy mo pa ba ang panliligaw sa kanya?"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Alam mo, hindi kita maintindihan. Pumunta ka ba talaga dito para sa laban o para makita mo lang si Hazel?"

Kumurap pa siya na parang tuta. "Both hihi! Kuya naman kasi, mahal mo 'yong tao pero bakit ayaw mong sabihin sa kanya ang nararamdaman mo?"

"Daniela, kung ayaw mong bumalik ng bahay, you better shut up. You better mind your own business, kid."

Umayos ako ng tayo at pinagpag ang aking damit na narumihan. Lumingon ako sa direksyon ni Dad. "Dad, kailangan nating maging alerto pagkalabas natin rito sa dilim. May mga elite pang hindi namamatay. Mas mabuti kung mauna ako tapos papatakasin ko na agad si Daniela para makapunta sa minor battles."

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon