CHAPTER 31

118 7 0
                                    

***

Aalis na kami ngayon. We finished our mission within four days. Akala ko lalagpas pa sa isang linggo dahil nagka-problema pa between our team at kay Izaac pero nagkasundo rin naman. Nasa kwarto ni Izaac si Ela ngayon. Si Ela lang kasi ang nakakausap nun, he thinks of her as a sister.

Hinihintay namin si Ela at Izaac sa labas ng kwarto nito. Maya-maya rin ay nagbukas na ang pinto at iniluwa nito ang dalawa. Nakakapagselos rin minsan dahil laging nakadikit si Izaac kay Ela pero, buti nalang dahil maintindihin akong tao kundi maya't maya kong makikita ang sarili kong nakikipag-suntukan sa Izaac na yun.

Nakasunod si Izaac kay Ela nung lumabas. May napansin ako kay Ela habang naglalakad, mukhang siyang iika-ika. Bakit ba kasi ang hilig niyang magtago sakin ng mga bagay katulad niyon?

I know she's strong but it makes me worried everytime na makikita ko siyang hindi okay. Iyon ngang paghalik nalang hindi ko mapigilan, ang pag-aalala pa kaya sa kanya. She's giving me heart attack sa tuwing may mararamdaman siyang masakit sa katawan. Maaga akong tatanda.

"Let's go." Aya ni Ela.

Bumaba na kami at lumabas ng bahay. Sa kondisyon ni Ela, gumagaling na naman siya kahit paunti-unti. Ang ngiti sa labi ko ay hindi parin mawala-wala. Inaasar ko kasi siya about our first kiss kahapon because she responded to it for the very first time. And she couldn't help but to blush over and over again and that made me so happy. Everything was surreal for me, until now. I can't believe that I fell for a girl like her. I mean, it was unexpected for me to fall inlove with someone.

Alam niyo ba yung pakiramdam kapag napapatingin ako sa labi niya? Para akong pinapatay... pinapatay sa pagpipigil. I became an addict because of that. Hindi ko ine-expect na ang dating pagiging sobrang lamig ko ay magiging malambot ngayon. Wala akong magawa dahil parang may magnet ang labi niya kaya sobrang sabik na sabik ako sa halik niya.

Sumakay kami sa sasakyan namin. Si Airah ay sumakay sa sasakyan ni Monique habang si Izaac ay sa kotse ni Jeus. Hindi pa siya pumayag noong una kasi pansin mong hindi mapala-kaibigan iyong Izaac na 'yon.

Sakin naman sumabay si Ela. Ang iba nag-couple pa, si Francine at Andrei ang magkasama tapos sapilitan lang ang kay Jia at Jackson dahil pinilit nina Hazel si Jia na sumakay sa sasakyan ni Jackson. Ngumisi lang ang loko nang nakitang walang choice si Jia kaya napilitan itong sumukay. Manhid din kasi si Jia, halata namang may gusto talaga si Jackson. Oo, maloko siyang tao pero sobrang gago magmahal nyan, mas gago pa ata sakin.

Pagkarating namin sa school ay hindi ko agad pinababa si Ela. Pumunta ako sa tapat ng pinto ng shotgun kung saan siya nakaupo. Binuksan ko iyon at tiningnan ang paa nito. Nakita kong namumula na namamaga ang ankle. Agad niyang tinakluban iyon ng suot niyang jeans. Tiningnan ko siya pero umiwas lang ito dahil hindi niya kayang tumingin ng diretso sakin. I sighed.

"Tara na." Sabi niya habang sa iba naman nakatingin.

"Hindi pwede." Sabi ko.

"James, malaki na ako kaya kayang-kaya ko na 'to." Awkward ang pagkakasabi niya pero hindi parin siya makakalusot sakin.

"Don't be a hard-headed, Ela."

"Kailan ba naman ako nanalo sayo?" She pouted, tinatanggap ang pagkatalo.

Sa huli napapayag ko rin naman. Dahan-dahan niyang itinuon ang kanang paa sa lupa. Hinawakan ko ang kamay niya para maalalayan at mailabas niya din iyong kaliwang paa niya. Pagkatapos nun ay pinasakay ko siya sa likod ko para mabuhat ko na siya at madala sa meeting place. Ipapagamot ko siya kay Francine pagkarating roon.

Habang naglalakad papunta sa meeting place ay sumalubong samin si President kasama si Naya na bigla agad tumakbo ng makita kami.

"Hi, daddy! Hi, mommy!" Bati ni Naya samin. I really changed a lot simula nung dumating samin si Naya. One of my reasons kung bakit kami nagkagusto ni Ela sa isa't-isa ay dahil sa kanya.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon