CHAPTER 40

84 4 0
                                    

***

MICHAELA's POV

Pagkamulat na pagkamulat ko nakaramdam na agad ako ng pangangatal. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero nasisigurado kong nasa panganib kami. Sinuri ko ng mabuti ang paligid upang hanapin si Naya. Nakita ko siyang walang-malay. In-obserbahan ko ang paligid at hindi ako maaaring magkamali. Nasa Dark Knight Castle kami.

Naramdaman ko ang isang bagay na gawa sa metal na nakalagay sa paa't kamay ko. Nakita kong maging kay Naya ay ganoon rin ang ginawa. Hindi itong isang ordinaryong posas lamang. Pilit akong lumapit kay Naya kahit na sobrang bigat nito sa katawan. Pagkarating ko sa tabi niya ay pinukaw ko siya ng dahan-dahan para gisingin siya. Sobrang alalang-alala ako dahil hindi agad siya nagising pero makalipas ang ilang minuto ay napatawag siya sa pangalan ko. Halos madurog ang puso ko nang makita siyang umiiyak.

"Mommy, I w-want to go back. I want to be with Daddy."

Patuloy siyang umiyak at wala akong magawa kung hindi ang yakapin siya. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang ganito pero dapat ang una kong isipin sa ngayon ay kung paano kami makakalabas dito. Sinubukan kong gamitin ang abilidad ko ngunit nagdulot lamang ito ng sakit sa buo kong katawan.

Ngayon alam ko na kung ano ang purpose ng posas. Once na gamitin mo ang ability mo uubususin nito ang lakas mo hanggang sa manghina ka, na maaaring maging dahilan ng iyong kamatayan. 

Habang nakayakap sakin ang anak may narinig akong mga yabag papunta sa aming direksyon. Kinakabahan ako, hindi para sa akin kundi para sa anak. Natatakot ako na baka kung anong gawin nila sa kanya. 

Habang palakas ng palakas ang tunog ng yabag, hindi ko mapigilang hawakan ng mahigpit si Naya. Hindi pa man nakakarating ng tuluyan sa pwesto namin ay tumigil na ito sa paglalakad. Napatingin ako sa bandang gilid kung saan makikita ang daan palabas ng kulungan. Naaninaw ko ang isang babaeng nakatayo 'di kalayuan sa amin. Maamo ang kanyang mukha at sobra siyang pamilyar. Parang nakita ko na siya noon pero hindi ko matandaan kung saan.

"Who are you?"

"H'wag ka munang magsalita. Kailangan mo munang makatakas dito bago pa nila kayo maabutan."

Binuksan niya ang kulungan gamit ang kanyang abilidad, maging ang posas na nakalagay samin ni Naya ay tinanggal niya. Naguguluhan ako.

"Bakit niyo po ginagawa 'to?"

Sa hail na sagutin ang aking katanungan ay binigyan niya lamang ako ng isang malungkot na ngiti. 

"Wala na tayong oras, kailangan niyo ng tumukas. Mapapahamak ka, lalong-lalo na ang bata. Halika na at ihahatid ko kayo sa isang sikretong labasan."

Iginaya niya kami sa daan.

"M-Maraming salamat po." Hindi ko akalaing may tutulong samin dito.

"Kailangan nating magmadali."

Binuhat ko si Naya at nag-simulang tumakbo. Dahil sa sakit ng katawan, pakiramdam ko bibigay na ako ano mang oras ngunit hindi ko ito binigyang-pansin dahil hindi maaring dahil lamang dito ay mapahamak ang buhay ng aking anak. Napansin ko ang naiwang marka ng posas sa aking katawan dahil sa sobrang higpit nito. 

Patuloy ang aming pagtakbo sa isang madilim na hallway. Tanging kahoy na may apoy lamang ang nagsisilbing ilaw namin.

"Nandyan na siya."

Bigla akong napa-isip sa kanyang sinabi. Sana hindi ako nag-kamaling pagkatiwalaan siya.

"Don't worry. He's our ally."

May napakinig akong panibagong yabag patungo sa amin. Nangingibabaw rin ang bigat ng bawat paghinga niya dahil sa pagtakbo nito. Itinapat ng babae ang kahoy na di-apoy sa bagong taong dumating. Halos mapatakip ang bibig ko ng makita kung sino ito. Pawisang-pawisan ito at pansin ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon