CHAPTER 1

555 22 8
                                    

***

MICHAELA's POV

"Papa, ang bilis mo naman. Kakadating mo lang tapos aalis na agad tayo? Pati hindi pa ako tapos mag-training babalik pa po ako." Sabi ko kay Papa pero hindi niya ako pinapansin.

Well, trainee ako sa SH School at puro physical fights ang pinag-aaralan namin doon. Ewan ko ba kung bakit kakaiba ang eskwelahan na 'yon but I prefer it that way dahil mas nakakahilo kapag normal subjects like: Math, Science, etc.

"You have to transfer, baby girl. Tapos na ang training mo. Almost one year ka na doon kaya alam kong nag-improve na ang strength mo." He replied.

Ha?! Paano niya naman nalaman na malakas na ako?

"But Papa, are you sure na ngayon na? As in... Now? Gaano ka-urgent ba 'yan? As in major major?"

"Yes. Don't worry about the paper works. Naayos ko na iyon para sa lilipatan mong school."

Napa-pout nalang ako sa sinabi niya.

"What kind of school is it?" I asked.

I think dahil sa out of my curiousity narin? Out of the blue siguro.

"Later, baby girl. Come on. Let's go."

I can't help but smile. He always holds my hand like a little kid pero wala namang problema iyon sakin. I'm used to it and also, I like it everytime he calls me 'baby girl'. Never ako nagkaroon ng problema kay Papa and to be honest, he's beyond perfect for me. I'm lucky to have him as a father. Napangiti nalang ako habang iniisip ang mga bagay na 'yon.

"What's with that smile?" Tanong ni Papa habang hawak parin ang kamay ko habang naglalakad papunta sa sasakyan.

"Nothing Papa. I'm just thinking na napaka-swerte ko kasi napakabait, napaka-gwapo, napaka-maalaga at napaka-mapagmahal ng Papa ko. Ang swerte ko kasi ikaw ang naging ama ko. To all the people around the globe, sakin ka itinadhana and I thankMama for having you as her husband and making you my father. Being here with you is a pleasure." Sabi ko kay Papa ng may nakapaskil na malaking ngiti. Halos maningkit ang mga mata ko.

Hindi siya nagkulang sa pagpapalaki sakin. That's why I love him so much. I can't afford losing him dahil siya nalang ang natitirang importanteng tao sa buhay ko. Nawala na ang isang pinaka-importanteng tao sakin at ayaw kong may mawala pang isa dahil ikakamamatay ko iyon.

Alam kong nakangiti si Papa. Kilalang-kilala ko na siya na kahit madalas napakaseryoso pagdating sa trabaho ginagawa niya parin ang lahat para mapasaya ako and he never fails.

Pagkadating namin sa kotse, nagulat ako sa sinabi niya.

"I love you too, baby girl."

And those words are also out of the blue kung sabihin niya. Maybe because he loves saying those words to me. I feel fortunate.

"Papa naman, wala pa nga akong 'I love you' tapos kayo my word na 'too' na? Pero sige po, I love you more."

Tumawa nalang ako. Ganyan siya mag-joke. Kahit corny napapatawa nalang ako bigla.

"Stop laughing baby girl, magtatampo ako."

Sabay pasok ni Papa sa sasakyan at ganoon din ako pero patuloy ang pagtawa ko. Tampo? Sus, what a lie! Kailan pa siya nagtampo sa akin? Si Papa talaga, pwede ng Best Actor of the day.

"Kailan ka pa nagtampo, Papa? Hindi mo nga magawa 'yon dahil hindi mo ako matiis."

Tumatawa lang ako n'ong sinabi ko iyon at tsaka ako tumingin kay Papa. Bigla nalang siyang ngumisi.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon