CHAPTER 44

89 4 0
                                    

***

ANNABETH's POV

Nabalitaan ko kay Hera na pinagtutulungan si Gino ng mga Venges. Pinakita niya sakin ang isang imahe mula sa mata niya na nagsilbing projector. Awang-awa ako sa kanya pero alam kong malakas at hindi siya basta-basta sumusuko. Ipinakita rin ni Hera ang iba pang mga imahe. Nakita ko sina Papa at Mama, pati narin ang bunso kong kapatid.

Alam kong nabigla si Ela sa sinabi ko at alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Oras na siguro para magpakita ako sa kanilang lahat. Labag man sa kalooban ko ngunit kailangan ko silang tulungan. Ayoko ng nanonood lamang ako at nagtatago. Ako ang panganay pero hindi ko magawang protektahan ang kapatid ko at ang kaisipang iyon ang nagdulot sakin ng kainisan. Para akong nagmumukhang tanga na nagmumukmok at naghihintay ng mga mangyayari sa isang sulok. I hate how it feels.

Sabay kaming tumakbo ni Hera. Liblib ang pinagtataguan kong kweba at walang nakakaalam niyon kundi ang matalik ko lamang na kaibigan na si Hera dahil minsan niya na akong nahuli sa gubat habang naghahanap ng makakain. Malaki na ako noon at hindi ko inasahan na magkikita kami. Noong una natatakot pa ako para sa kanya ngunit kalaunan, laking pasasalamat ko dahil nagkita kami. Siguro kung hindi dahil sa kanya patay na ako ngayon. Siya ang nag-alaga sakin, nagdadala ng pagkain at nagbibigay ng mga damit. Mabuti nalang at hindi nahahalata o nagtataka si Gino sa bawat kilos ni Hera.

Mahal ko si Gino kaya pinagplanuhan kong hindi sabihin sa kanya ang tungkol sakin. Noong mga panahong iyon, madalas akong makita ng mga Venges kaya hindi mapipigilang hindi mailagay ang aking sarili sa peligro at dahil doon ayokong madamay pa siya sa problema ko. Alam kong magpapapain lamang siya para hindi nila ako masaktan. Ganoon ko siya kakilala at ayokong masaktan na naman siya ng dahil sakin. Mas gusto ko nalang na isipin niyang wala na ako pero dahil sa naging desisyon ko, mukhang kamumuhian niya ko. Bahala na, ang mahalaga ma-protektahan ko sila. 

Nasilayan ko na ang nagliliwanag na gubat sa harapan ko. Medyo malapit ito sa pinagtataguan ko. Malaking parte na ng gubat ang nasusunog. Nagpasya kami ni Hera na maghiwalay. Tumulong siya sa mga Sai na nahihirapan makipaglaban sa katunggali. Naiwan naman ako mag-isa sa tabi ng isang makapal na puno, iniisip kung saan pupunta.

Nagulat nalang ako bigla sa pagsulpot ng dalawang Venges. Agad ko silang pinatay sa isang titigan lamang. Matagal ko ng hindi nagagamit ang ability ko kaya pakiramdaman ko tuloy na babagsak ko. Bago ko pa maihanda ang sarili ay sunod-sunod na ang pagsulpot ng mga Venges at inatake ako.

Dahil abala ako sa mga Venges na nasa harapan ko hindi ko napansin ang isa sa likod ko. Shit! I won't make it on time! I'm planning to retreat pero masyado silang marami kaya hindi ko magawa. This is the end for me.

I waited for a few seconds, kumbinsido na mamamatay sa oras na 'to. Ngunit bago pa iyon matuloy ay nakapakinig ako ng isang ingay galing sa matatayog na mga halaman. A familiar presence arrived and killed my enemies. Do I have to run? Must I escape from him? 

Hindi ganito ang plano kong makipagkita sa kanya!

Gino killed the Venges without hesitation and mercy. Walang atubili akong tumakas. Habang tumatakbo papalayo ay nahihirapan rin ako. Nga-ngayon ko na lamang ulit nagamit ang speed kaya para akong normal na tao kung tumakbo kaya hindi na aka nagtaka nang maabutan niya ako. He looked at me with rage in his eyes. Tumalikod ako ulit at nagtangka muling tumakas pero nahuli niya ulit ako! Badtrip!

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko ng mahigpit para hindi na ako makatakas pa. Hinigit at pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya pero pakiramdam ko mababali lamang ang kamay ko kung ipipilit ko pa. May galit ba siya sakin?

Tanga lang teh? Malamang galit yan!

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sarili kong tanong. You're so stupid, Marj! Isn't it obvious? Of course, he's angry at you! Hindi ka nagpakita ng ilang taon kaya tama lang sa'yo na tanggapin ang galit niya!

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon