CHAPTER 32

140 7 0
                                    

***

MICHAELA's POV

Lumabas kami sa meeting place. Nagulat kami dahil may nakaabang saming dalawang lalaki na naka-suit and tie habang may nakasalpak na itim na earphones sa mga tenga nila. Para silang VIP security guards.

"Mister James Jordan, you have training with President so you have to come with me." Sabi ng lalaking nasa kaliwa.

"While the members of Distinctive will follow me. Meron naghihintay sa inyong mga professors sa training grounds niyo at lilipat kayo sa official meeting place niyo." Sabi naman nung nasa kanan.

"Okay, thank you." Sabi ko.

Tiningnan ko ang Vigorous Vipers team. Hindi man ako tunay na Vigorous member pero sa puso ko, sila ang the best team. Team work ang yaman sa team nila. Masayang-masaya ako dahil naging parte ako ng grupo nila.

Tiningnan ko sila isa-isa, ang lungkot kasi dahil hindi na nila ako makaka-train araw-araw pero binigyan ko parin sila ng isang malaking ngiti na nagpapahiwatig ng pasasalamat sa walang sawang friendship na nabuo sa amin.

"Goodluck sa inyo." Wika ko.

"You too." Sabi naman ni Monique.

"Airah, Izaac. Kaya niyo 'yan! Kapit lang kayo. Magpapalakas din kami para ma-protektahan namin kayong tatlo." Pahabol ni Hazel.

"Thank you." Ngiti ang iginawad ni Airah habang tango lang binigay ni Izaac.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa paroroonan namin. Malay ko ba kung saan. Kasabay namin si James. Ngayon kasama ko na ang official team ko. Si Izaac na medyo may katigasan ang ulo, but I know na deep inside he has a good side in him, hindi din siya mahilig magsalita, meanwhile here's Airah na super active at laging nakangiti.

Patuloy lang kami sa paglalakad habang iyong lalaki na sumundo kay James ay tumigil kaya napatigil din si James. Tumigil ito sa isang training room na pansin kong may pagka-delikado. I saw how foggy the room is. Natakot tuloy ako para sa kanya.

"Hindi ba delikado ang training mo?" Tanong ko kay James pero nginitian niya lang ako.

Hindi ba siya natatakot?

"Kung tutuusin nga ay dapat ako ang nagtatanong nyan sayo dahil mas mahirap ang magiging training mo, for sure. And don't worry, I'm safe with your father. Hindi naman niya ako papabayaan. And oh! Goodluck." He said and kissed my forehead.

"Sige na. See you later and be careful." Naglakad na siya papunta sa loob.

Dumiretso na kami ng lakad. Pagkatapos naming malampasan ang limang engrandeng pinto ay tumigil kami sa ikaanim. Binuksan ng lalaki ang pinto at bumungad ang limang propesor.

Kailan pa naging professor ang principal? Bakit nandito si Sir Gino?

Nandito si Sir Gino, Ms. Jessica and tatlong babae na nasa same age siguro ni Ms. Jessica. Hindi ko pa sila kilala.

"Yup. Alam ko na ang bumabagabag sayo, Ela. Nagtataka ka kung bakit kasama ako sa magtuturo sa inyo. It is because, I'm one of the former members of Distinctive Team." Paliwanag ni Sir Gino.

Bumaling ang tingin ni Sir Gino kay Izaac.

"Izaac, right? I'm Gino Ada, the principal."

"Nice to meet you, sir."

"And you must be, Airah. Pleasure to meet you."

"It's my pleasure to meet you too, sir."

This time si Ms. Jessica naman ang nagsalita. "So students, ipapakilala ko sa inyo ang mga professors ng ibang team. Hiniram muna namin sila dahil meron silang techniques na meron kayo. So... this is Ms. Reneesme... " pagpapakilala niya sa isang babaeng mahaba ang buhok, matangos ang ilong, at medyo may katangkaran.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon