CHAPTER 49

108 4 0
                                    

***

MICHAELA's POV

Isang taon na ang nakakalipas mula nung matapos ang gyera at marami na rin ang nangyari pagkatapos noon. Monique gave birth to her son, Trevor Dayle, last week. Malaking gulat ang bumakas sa mga mukha namin nung ikinwento niya ang tungkol sa pagbubuntis niya at higit sa lahat ay nung malaman namin na si Jeus ang ama ng bata. Pansin na namin na may kakaiba sa kanilang dalawa dati pa pero hindi naman ito kasama sa inaasahan namin.

Ang kanilang anak ang panganay sa bagong mabubuong grupo sa future. I heard na nahirapan pang manganak si Monique dahil tulad ko, nakasalalay rin ang abilidad niya dito. Pareho kami ng pinagdaanan, lahat ng hirap noong dinadala pa niya ang bata. Pareho rin ang bilin sa amin ni Dr. Janine kaya tulad ko ay natakot rin siya. Pero ngayon, laking pasasalamat namin dahil nalagpasan niya iyon. Ako nalang ang kinakabahan kasi sabi ng doktora ay malaking hirap talaga ang mararanasan dahil tatlo ang dinadala ko.

James and I got married first before my tummy started getting bigger. We celebrated our marriage along with my eighteenth birthday. Nakilala ko narin ng lubusan ang mga magulang ni James at sobrang saya ng mga pangyayari noong kasal namin. Hindi ko inaakala na may isasaya pa pala ng sobra ang buhay ko.

Habang nagmumuni-muni ay naramdaman ko ang kamay ni James sa bewang ko. Nakaupo ako sa aming kama habang nanonood ng tv. Nagpatayo kami ng sariling bahay, malapit sa mundo ng mga tao. We transfered here after we got married dahil iyon ang gusto niya. Living with him made me realise how strict and protective husband he is, but I love it. By that, he's making me feel how scared he is to lose me.

"You want something to eat?"

Umiling ako sa kanya at tipid na ngumiti. Bahagyang nagsalubong ang kilay nito na para bang may napansing kakaiba sakin.

"Are you okay? Do you want me to call Mom?"

"No, I'm fine."

"Sabihin mo lang sakin kapag may nararamdaman ka. I'll just go downstairs para magluto ng kakainin natin. I'll tell Manang to take care with you here."

"Alright."

Bago siya lumabas ng kwarto ay hinalikan niya muna ang labi ko. I saw Manang entered our room. Si Manang Fe lang kasi ang pinapayagan ni James na pumasok sa aming kwarto dahil alam niyang simula bata palang ako ay siya na ang nag-aalaga sakin.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo, hija?" Tanong ni Manang.

"Opo, ramdam ko nga po ang bigat ng katawan ko."

Nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi ko. Kahit siya noong una ay hindi rin makapaniwala na buntis ako. Tuwang-tuwa siya kasi daw malaki na ang alaga niya. She was then so happy when she learnt na si James ang ama. Kahit na raw may pagkamasungit ay napakama-alagain naman daw ng asawa ko.

"Alam mo hija, hanggang ngayon hindi parin ako sanay na nakikitang ito ka na ngayon. May asawa ka na at magkakaanak ka na. Napakasaya ko para sa'yo, anak."

Napayakap ako kay Manang dahil sa sinabi niya. Kahit na normal na tao siya ay naiintindihan niya parin kami. Hindi niya kami tinuring na iba at ganoon din kami sa kanya.

"Thank you po."

Bumitaw na ako sa yakap at pinunasan ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mata. 

"Hay nako Manang, tama na nga ang emote."

Tumayo muna ako sandali para mag-inat-inat dahil maghapon na akong nakaupo. Ayaw kasi ni James na mapagod ako. Pakiramdam ko tuloy matanda na ako dahil sa ginagawa niya.

Inayos ni Manang ang aming kama habang ako naman ay pinatay ang TV. Naglakad-lakad ako sa loob ng kwarto at medyo nabo-bored kaya naisip kong pumunta sa baba. Nagpaakay ako kay Manang pababa ng hagdan. Nagtungo kami sa kusina at pinaupo niya ako sa maliit na couch sa gilid. Nagpaalam muna siya sandali dahil may nakalimutan daw siyang linisin sa labas. Agad kong naamoy ang masarap na niluluto ni James.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon