CHAPTER 25

163 9 2
                                    

***

MICHAELA's POV

This is it! Mamaya ng gabi gaganapin ang ball. Papunta na daw si Trish dito. Aayusan niya pa kami ni Jia kaya dapat maaga siyang makarating dito.

Iniisip ko kung anong susuotin ko sa limang gown na pinili ni Jia para sakin. Wala akong mapili sa lima dahil lahat sila magaganda kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-desisyon.

Nakarining ako ng isang katok at pumasok si Trish na naka dress na. She looks gorgeous!

"Hi, Trish!" bati ko at sabay nakipag-beso.

"Greetings, kamahalaan! Ikaw muna daw ang uunahin ko sabi ni Jia dahil may tinatapos pa siya sa baba."

"Oh okay, no problem. Anyway, I need your expertise because I'm still undecided which gown I should wear for later. I can't pick among these dresses because they are all beautiful."

"Naku naman! After pa 'yan ng make-over kaya huwag mo na munang problemahin. Ako na ang bahala mamaya kaya tara na at simulan na natin."

Pinaupo niya ako high chair kung saan nakaharap ito sa length mirror. She started with my hair so it wouldn't be a hindrance to my face later. Halata ang pagiging professional niya sa pagmi-make up. Halatang sanay na sanay.

Mga isang oras bago natapos ang pag-aayos niya sa buhok ko. She took a picture of it and let me see the outcome. My hair is in a spiral braid and it looks very elegant and classy.

My hair is gathered at the crown and with the French braiding counterclockwise in a circular motion across the front of my hairline, down the left side of my head, around the nape of my neck, and ending up on the right side. Finish by tucking the ends of my hair into the braid along my hairline to conceal it.

Namamangha pa ako sa ganda ng braids ng buhok ko kaya hindi ko na napansin ang pagpasok ni Jia.

"OMG! Is that really you, Ela?!"

"Jia, you're over reacting. Buhok ko lang ang inayos hindi ang mukha ko kaya syempre ako pa rin 'to."

"Oo nga pero, ang ganda mo na agad."

Ilang minuto pa siyang nakatingin sa braids ko at walang tigil sa pagpuri kay Trish.

"Hindi ako nagkamali na kunin si bakla as our hair and make up artist. Anyway, ako naman bakla ang ayusan mo ng buhok."

Nang makaupo na siya ng tuluyan sa high chair ay bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Trish, na ginagawa niya di umano sa baba.

"Trish told me you were doing something downstairs."

"Hmm... Yes! Tapos ko ng gawin." she looks nervous everytime our eyes meet. I wonder why?

Umupo nalang muna ako sa kama at hinayaang panoodin si Trish na ayusan siya ng buhok.

Kalahating oras ang nakalipas at natapos si Trish sa kanya. Her braids are also beautiful but on the contrary of mine, Trish decided to let hers fall. It's a waterfall braid.

Now, it's time for the make-over and it's my turn again. Bago kami magsimula ay pumili muna siya ng maganda kulay na ilalagay para sa eyeshadow at pagkatapos ang gown na susuotin ko para sa ball.

She told me to wear the dark blue a-line/princess scoop neck sweep train chiffon prom dress with ruffle beading appliques lace sequins while matching my royal blue nubuck glitter snake-shaped open toe platform pumps heel.

After our total make over, Trish helped us wear our gowns since they're difficult to wear and very heavy. Medyo madali pang naisuot ang kay Jia dahil below-the-knee lang naman ang kanya. Meanwhile, both of my girls had to join forces due to the diamonds and sequins of the dress.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon