CHAPTER 24

164 8 1
                                    

***

MICHAELA's POV

Katatapos ko lang samahan si Vixen sa paglilibot ng school. I find him weird. Kilala niya daw ako at paulit-ulit niya akong tinanong kung naaalala ko ba daw siya ngunit wala akong matandaan na kahit ano na nakasama ko siya noon, kahit noong bata pa lang ako, pero hindi ko maipagkakaila na mukha nga siyang pamilyar sa akin. Iyon nga lang hindi ko alam kung paano ko ija-justify iyon sa kanya.

"I will introduce you first to our team before I accompany you to your room," sambit ko.

Awkward.

"Mich, can we be friends? I know you don't remember anything about me. Alam ko ding ang kapal ng mukha kong magtanong pero gusto kong magsimula tayo ulit."

"Don't be. Ako pa nga dapat ang humingi ng paumanhin sa'yo dahil wala akong maalala na nagkita na tayo noon. But anyway, we can be friends."

Kitang-kita ko sa reaksyon niya ang pagkatuwa. Pati kanina ko pa napapansin na 'Mich' ang tawag niya sakin pero hinayaan ko nalang.

"YES!" sigaw niya sabay yakap sakin.

Nagulat ako sa ginawa niya at buti naman na napansin niya iyon kaagad kaya agad din niya akong binitawan.

"Sorry. Naging emotional lang." aniya at napakamot sa batok.

"So, tara na?"

"Okay!" excited na excited siya.

"Let's go."

Nang makarating kami sa meeting place ay bumungad sa amin ang mga myembro. Katulad no'ng first day ko dito ganito din ang asta nila: friendly.

"Hello, everyone! I'm Vixen Luke. It's nice to finally meet you."

"Nice to meet you, too, and welcome to the group. I'm Monique Faina."

Hanggang sunod-sunod na silang nagpakilala at alam niyo na kung sino lagi ang huli.

"I'm James Jordan."

"What is your ability, if you don't mind me asking?" tanong kaagad ni Jia.

"Hypnotism," sagot naman nito kaagad.

"That's cool!" puri ni Francine.

Namagitan ang matinding katahimikan kaya bago pa maging awkward ay sumingit na ako.

"So, ihahatid ko muna siya sa room niya and then, I'll be right back." paalam ko.

Simula noong bumalik kami galing sa bahay hindi pa rin kami nag-uusap ni James. Nahuhuli ko man siyang madalas na nakatingin sa akin pero hindi niya din naman ako iimikan. Tapos may napapansin pa ako kina Daniel, Hazel, Francine at Andrei.

Yup! Sabay-sabay sila.

Pagkatapos ko siyang ihatid ay nagpaalam na din kami sa isa't isa. Gusto niya muna daw magpahinga at matutulog dahil pagod pa siya sa byahe.

Dahil tinatamad akong maglakad, ginamit ko ang speed ko kahit na labag ito sa patakaran. Wala namang nakakakita kaya pagbigyan niyo na.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa meeting place ang dami na agad nilang tanong sakin tungkol sa transferee. Si Jairah at Jia halos hindi mapigilang hindi kiligin dahil ang gwapo 'di umano ni Vixen.

Habang kinu-kwento ko sa kanila ang nangyari kanina habang sinasamahan ko siya maglibot sa school, nagtaka sila kung bakit ako kilala ni Vixen. Same goes for me dahil kahit ako hindi ko rin alam.

"Ang weird 'no? Kilalang-kilala ka niya na parang dati pa kayo magkakilala. O 'di kaya'y hindi mo lang talaga siya matandaan. But what caught my attention is when you said that he looks familiar to you although you haven't met him since you were a kid. That's creepy, girl." komento ni Hazel.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon