CHAPTER 15

145 9 0
                                    

***

Hindi naging maayos ang resulta ng pag-uusap namin ni Papa. It was my first time seeing him that furious. During our conversation, Papa didn't shout at me at all however, the anger was too evident because of how he looked at me.

He called our most skilled healer to treat my wounds. Naalala ko ring hindi maganda kung makikita nga ako ni Naya na ganoon ang ayos.

Ipinaliwanag niya sa akin kung bakit hindi siya nangialam kahit pa gustong-gusto niyang sumugod dahil nandoon ako. Hindi siya umaksyon ng personal dahil malaki ang tiwala niya sa Vigorous Vipers. Ang also if something had gone wrong, we would have had back-up since we were monitored from Techno Lab.

Alam kong wala akong maiitago sa kanya kaya hindi na ako nagulat nang banggitin niya si Ric, ang Venge na dinala ko. He asked me about Erick and everything that had happened between us at school. That's why in the end, he let Ric in but he will be monitored by the higher ranks.

I left my father's office without looking at him. Hindi din naman niya ako tiningnan o pinigilan man lang.

Kasalanan ko rin naman kung bakit gano'n na lamang ang pakikitungo niya sakin kaya hinayaan ko siya.

It's only natural for a parent to be mad when your child has just encountered danger.

Nagtungo ako sa aking kwarto para magpalit ng damit at makapag-shower. As I took a bath, tahimik akong nagmumuni-muni. Iniiisip ko kung ano ang kailangan kong gawin. At sa kalagitnaan ng pag-iisip ay naalala ko ang mission para bukas so, I headed to Sir Gino's office.

"Come in."

Pinihit ko ang door knob at dahan-dahang pumasok. I saw him standing in front of his office's window na parang may tinatanaw sa malayo.

Namamangha pa rin talaga ako sa kanya. He's still too young but his aura is too domeneering and intimidating.

"Good evening, Sir." bati ko.

He turned to see me and smiled.

"Good evening. Is there anything I could help you with for you to come at this hour?"

It was a simple question pero parang iba ang dating sa akin. Or maybe I was just imagining things.

"Hmm... Sir, I would like to ask for your permission if I could take some weapons with me for the mission."

Sir Gino went to his swivel chair and sat. He looked at one of the documents on his study.

"Ah, yes. I remember that your team is assigned on this mission. President also mentioned that you'll be leaving first."

Ibinaba niya ang dokumento sa lamesa at tiningnan ako. Pinagsalubong niya ang pareho niyang kamay at ipinatong ito sa braso ng kanyang inuupuan.

"I suppose that the talk between the two of you didn't go well."

I bowed my head because of embrassment.

"It's normal for him to get mad. I hope you understand that."

Parang may iba siyang pinapahiwatig habang sinasabi niya sakin iyon kaya hindi ko napigilang hindi mapaisip. Halata ding may diin sa bawat bigkas niya ng mga salitang iyon.

"Pero hindi ibig-sabihin n'on na mali ka rin. I get your point and so as President's. Lahat naman naaayos sa pamamagitan ng pag-uusap. Hindi man naging maganda ang resulta ngayon, may susunod pa namang mga araw. You just need to be patient."

Patuloy siyang nagbigay ng payo and I got his point. Hindi lang talaga ako sanay dahil unang beses na nangyari 'to.

"Your father is a busy man but he always makes sure he has time for you. He has been through a lot. Trust me. He had traumas and he's been through so much pain before na kung ilalagay ko ang sarili ko sa posisyon niya, siguro hindi ako makakasu-survive."

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon