CHAPTER 46.1

111 4 0
                                    

***

MONIQUE's POV

Damn it! Gusto ko ng matapos ang gulong ito! Gusto ko na siyang makita! Hindi bale na at paubos narin naman ang mga kalaban ko, medyo nanghihina narin ako kasi wala ng pahinga ang pakikipagbakbakan ko sa kanila.

"Hindi na ako makapaghintay na maubos kayo!"

Sobrang sakit na ng katawan ko dahil sa sobrang paggamit ng ability. How can I make it if I'm this weak? I really need to see him!

Tumingin ako sa paligid at nakita kong dadalawa na lamang na Venges ang natitira. Hindi na ako nag-alinlangan pang patayin sila agad dahil atat na atat na talaga akong makita siya.

Umalis ako dito at nagmadaling tumakbo. Hinanap ko siya sa kung saan-saan at bumagsak ang paningin ko sa front line. Talagang dito na ang final battle between us and the other tribe. Marahan kong hinaplos ang dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga. Akala ko mamamatay na ako pero kinaya ko parin ang pagod. Nagkanda halo-halo na ang emosyon ko at ang pagod pa ng aking katawan.

Dahil nagtipon-tipon na halos lahat ng Sais at Venges sa front line minaigi ko ang paghahanap sa kanya. Sa isip ko, patuloy ang aking pagdadasal na sana makita ko pa siyang humihinga. And yes! I'm so glad and relieved to still see him on his whole damn body but at the same time, I feel the nervousness in my nerves. His clothes are full of blood stain. Hindi ako nagkakamali na sa kanya galing ang dugong iyon.

Nakita ko ang nakahandusay na lalaki sa harap niya. Napatay na niya iyon at laking pasasalamat ko na hindi sa kanya nangyari iyon. Mahigit ilang segundo palang ang nakakaraan ay unti-unti nang bumibigay ang katawan niya. Shit! Hindi maaari ito!

I run to him as fast as I could. Inangat ko ang ulo niya at siyang ipinatong sa hita ko. 

"Jeus! Jeus! Can you hear me!?"

Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi. Ngunit ang impit ng sakit lamang ang narinig ko. He's still breathing pero nanatili paring nakapikit ang kanyang mga mata. "You're scaring me, Jeus! Please, wake up! I'm already here! We need you! Okay lang na siya nalang ang mahalin mo, kahit h'wag na ako, basta mabuhay ka lang para sa kanya! Please!" I said with so much desperation.

Patuloy parin ako sa pagtapik ng kanyang pisngi.

"Jeus! Oh God, I'm begging you. Please give him strength. Please give him another chance to live." Napahagulhol na ako sa iyak at patuloy lamang sa pagmamakaawa. Napayakap na ako sa kanya hanggang sa naging bulong na lamang ito. "A chance to live with our baby."

Buntis ako at siya ang ama. I just found out recently before ng medical namin. Nakalusot lamang ako noon dahil may gumawa ako ng paraan para walang makahalata. Nalaman ko iyon noong pagkatapos kong mag-inom. Sobrang sakit ng naranasan ko noon, buti na lamang at ako lang mag-isa ang naroon sa dorm kung hindi, patay ako sa mga ka-teammates ko. Tiniis kong mag-isa iyon dahil pinagtatakpan ko ang sarili ko. I was too scared para malaman nilang lahat. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako handa.

Nagpatingin ako noon sa healer ng taga ibang team. Buti nalang at may kaibigan akong isang healer kaya sa kanya ako nagpatulong. She said I'm three weeks pregnant. Mas una akong nabuntis kaysa kay Ela. Hindi ko matandaan kung may nangyari ba talaga sa amin ni Jeus noon. Siguro dulot iyon ng katangahan ko. Sobrang kaba ang naramdaman ko dahil baka mapansin nila ang pagbabago ko pero ngayon, siguro kailangan ko ng sabihin. Ayokong mahuli ang lahat.

Napatigil ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang kamay niyang gumagapang mula balikat ko pataas sa aking pisngi kaya napatingin ako sa kanya. He tried to sit so he could see me properly. Napatahimik ako sa paninitig niya. Magkasalubog ang kanyang kilay at parang nawala ang pagod sa kanyang mga mata.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon