CHAPTER 48

92 4 0
                                    

***

THIRD PERSON's POV

Unti-unti ng nauubos ang mga kalaban. Nagwagi sina Daniel at Hazel sa kanilang pakikipaglaban. Sumilay ang mga ngiti sa kanilang mga labi, nangangahulugang papalapit na ang katapusan ng kanilang paghihirap. Nakapinta ang pagod at tuwa sa mukha ng binatilyo ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay mas lalo lamang siyang naging masaya ng matikman niya ang labi ng dalaga.

Naramdaman niya kung gaano katamis ang labi nito. Niyakap niya ito ng mahigpit at pagkatapos ay sabay hinalikan ang sentido nito. Pagkuwa'y naluha ang dalaga sa nararamdaman dahil sa wakas natapos na ang laban.

"We made it!" Wika ng dalaga na hindi mapigilan ang nag-uumapaw na saya na nararamdaman.

Nagbabantay ang dalagang nagngangalang Francine sa kanyang kasintahan na si Andrei na mahimbing na natutulog. Hindi namalayan ng dalaga na nagising na pala ang kanyang nobyo at siya na ngayon ang natutulog sa tabi nito. Bakas ang gulat dahil pakiramdam niya ay hindi niya ito nabantayan at naalagaan ng maayos dahil sa hindi namalayang pagtulog.

"I'm sorry nakatulog ako." Medyo may pagkataranta ang tono ng boses ng dalaga.

Nagulat ang binatilyo sa naging reaksyon nito. "Hey, it's okay if you sleep. I know you're tired." Habang nakatitig ang binata sa dalaga ay hindi nito mapigilan ang mapangiti dahil sa kanyang magandang ibabalita. "Tapos na, Francine. Finally... it's over. And I'm thankful because you're still here with me."

Agad na napatayo sa gulat ang dalaga at napatakip sa bibig nito. Napahagulhol ito sa iyak at nakaramdam ng iba't-ibang tipo ng emosyon.

"Oh my god!" 

Napaupo siya at itinago ang mukha sa kanyang mga hita. Hindi alam ng dalaga kung paano magsasalita dahil sa gulat, hindi rin nito alam kung magtatatalon ba siya sa tuwa o magpapatuloy nalang sa pag-iyak dahil sa wakas natapos na ang kanilang paghihirap.

Tumayo ang binatilyo at agad na lumapit sa kasintahan. Hinele niya ito para tumigil sa pag-iyak. Dahil hindi parin ito tumitigil, niyakap na ito ng binata at sabay winika ang kanyang salitang mahika.

"Stop crying. You know what... habang nakikipaglaban ako kay kamatayan, sinabi ko sa isip ko na, 'I'm ready to get married and I want to do it right after this motherfucking war'. I can't wait to be with you forever. Ayaw kong mawala ka pa sakin. Gusto na kitang itali sa apelyido ko. Do you get my point, Francine?"

Tila natulala ang dalaga. "W-What are you saying, Drei? Bawal tayong magdesisyon agad-agad ng walang permiso ng mga magulang natin. Mabibiliw ang nanay ko kapag nalaman niya it—"

Natigil sa pagsasalita ang dalaga ng ilapat ng binata ang kanyang hintuturo sa labi nito. "I already did. At first, I only planned it all in my head but after a week or so, I decided to tell our parents about my decision and they agreed to it. Pansin ko nga na mababaliw ang nanay mo kaya I put my all para mapa-oo sila, especially your Dad. Damn, those heavy stares from your Dad's eyes were killing me."

Natameme ang dalaga dahil hindi niya inakalang matagal na pala itong pinagplanuhan ng kasintihan. Nakaramdam pa ito ng tampo dahil sa hindi pagsasabi nito sa kanya.

"When did you plan all of this?"

Bago sumagot ang binata ay tinulungan niya munang tumayo ang dalaga. Hinawakan niya ito sa bewang at tsaka lumapit pa ng mas malapit. Halos makaramdam ng pagkaduling ang dalaga sa sobrang lapit ng binatilyo.

"Well..." Tila bang nakaramdam ng libo-libong bultahe ng kuryente ang katawan ng dalaga ng maramdaman niya ang mainit na hininga ng binata sa labi nito. "...I planned it on the day you said you love me."

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon