CHAPTER 16

122 9 0
                                    

***

MICHAELA's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng kaunting kibot sa gilid ng aking kama. Nakita ko roon ang naglalarong si Naya at si James.

"Mommy's awake!" Sigaw ni Naya at lumapit para tingnan ako ng malapitan at humalumbaba sa tapat ng aking ulunan.

"What time is it?" I asked.

"6PM." sagot ni James.

Wait... What!? Six!? Ibig-sabihin simula kaninang umaga hanggang hapon tulog ako!?

Tila nanlaki ang mga mata ko sa narinig at napabalikwas mula sa pagkakahiga. Medyo nagulat si Naya sa aking naging reaksiyon.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko habang nag-aalala.

Nakalimutan kong may mga bisita nga pala ako. Nakakahiya tuloy dahil mismong may bahay pa 'yong nagpapahinga.

"Hindi pa. Hinihintay ka namin sa baba para sabay-sabay na tayo. Nagyaya din muna si Naya na pumunta dito saglit para tingnan kung kamusta na ang kalagayan mo."

Napahilamos ako at hinanap agad ang tsinelas. Mabilis din akong nag-ayos.

"Ano ng ginagawa nila?"

Naisip ko bigla na baka bored na sila lalo na't tulog ako buong maghapon. Napansin ni James ang pagkakataranta ko.

"You don't have to worry. They're playing UNO cards and Naruto video games downstairs."

Nang malaman ko iyon ay bahagya akong napatawa.

"How are you feeling?" pag-iiba agad niya ng topic.

"Better."

Tumayo siya at lumapit sa kama.

"Let's go. You need to eat."

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo.

Why is he too caring these days?

Habang bumababa sa hagdan nakarinig ako ng sigawan, tawanan at hampasan.

Pagkarating namin sa sala natagpuan namin silang nakapaikot habang naglalaro.

"Oh Ela, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Daniel.

"Ayos na."

"Uminom ka ba ng sleeping pills o si James ang naging sleeping pill mo?"

Sasakyan ko na sana ang kalokohan ni Andrei kaso agad siyang nakatanggap ng isang malakas na sapok mula kay Francine kaya pakiramdam ko ako ang nasaktan sa ginawa niya sa sobrang lakas.

"Magtatanong ka na nga lang iyon pa! Mas mabuti kung ikaw nalang ang uminom, matatahimik siguro ang buong mundo!"

Nilingon agad niya si Francine at tiningnan ng masama sabay belat. Hahampasin pa sana siya ulit ni Francine pero tinakluban niya na agad ang buo niyang ulo gamit ang pareho niyang kamay.

"Paki mo ba! Doon ka na nga! Buti pa si Ela hindi ako inaaway kesa sa'yo na kulang nalang lumabas na 'yang ngala-ngala mo!" bato naman ni Andrei.

"E di doon ka na!"

Tinulak ni Francine ng malakas si Andrei kaya nahulog ito sa upuan.

Kailan ba magbabati ang mga 'to? Siguro kapag nagkatuluyan sila, ang cute nilang tingnan kapag nag-aaway, 'yong tipong lumilipad lahat ng gamit.

"Gusto niyo sa tabi ng dagat kumain? The view is nice."

Napatigil silang lahat sa kanilang ginagawa at agad na kuminang ang kanilang mga mata.

 Saiwan High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon