Prologue

856 18 6
                                    

Althea's POV

"Bicheul sseodneun sky...
Geu arae son ai...
Kkeumkkudeushi fly...
My life is a beauty."

Sumasabay ako sa pagkanta ni Taeng habang ginagawa ko tong recipe ko na project ko na kailangan ko na bukas. Bakit ba kasi ang hilig ko magrush? Tsk.

Ilang beses ko na atang pinaikot-ikot sa mga daliri ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero wala pa ring bumbilyang umiilaw sa ibabaw ng ulo ko. Pundido ata ang utak ko.

Dahil wala pa kong idea, binuksan ko muna ang laptop ko at nagspazz. Habang unti-unti akong nag-eenjoy sa pags-spazz ay di ko namalayang dalawang oras na pala akong naggaganito at dalawang oras na ang nasayang ko. Naku! 7 o'clock na!

Bumaba na muna ako para kumain. Tapos akyat agad. Di ko na ata nginuya yung kinakain ko sobrang madali.

Agad akong pumwesto sa study table ko at hinawakan muli ang ballpen ko. Pumikit ako at nanalangin ng mataimtim na sana'y gumana na ang utak ko.

"Ano ba naman yan! Wala pa rin!" Inis na sabi ko matapos ang limang minutong pagsasayang ng oras.

"Pano ko ba naman kasi pagsasamahin ang Italian at Korean food sa iisang dish lang? Tell me! Magkaibang-magkaiba kaya yung style nung dalawa!" Sigaw ko sa naka-picture frame na mukha ni Sehun sa harap ko.

"Hayys. Sorry babe-ba. Imbis na gawin kitang inspirasyon eh, sinisigawan pa kita. Sorry." Pagmomonologue ko.

Muli, sa huling pagkakataon, ay hinawakan ko ang ballpen ko. Pag wala pa rin, matutulog na lang ako at bahala na si dakilang batman bukas.

Ilang minuto ko muling pinaikot ang ballpen sa daliri ko...

....

....

....

TING!

Alam ko na! Simple lang ang naisip ko. Dahil yun lang naman talaga lagi ang kaya ko. Simple lang.

Wag na sanang choosy si ma'am. Hahaluan ko lang naman kasi ng pasta at ilang Italian spices ang ddeokbokki ng Korea. Tapos... Tapos na!

Sinulat ko na ang recipe ng naisip ko. Naka-ilang tapon din ako ng bond paper dahil sa ka-eedit nung recipe pero sa wakas, matapos ang isang oras ay maaari na kong matulog. 9:00 na rin at maaga pa ko bukas. Nyess~ di ko na kailangan si batman bukas.

Teka, nakapagpakilala na ba ko? Bago ako matulog! Ako nga pala si Althea Reese Javier, isang simpleng estudyante ng College of St. Benilde dito sa Taft Ave. sa Maynila. Culinary arts ang kinukuha kong course, di naman halata diba? 3rd year ko na at utang na loob, hindi kami mayaman. Pinag-aaral lang ako ng tito ko. Meaning, sila ang mayaman. Hindi kami. Okeh? So pantay-pantay lang tayo. Isang kpop fan na kapos sa pera't pahirapang makapuntang concert. Ay. Hindi ka ba ganun? Ah sige. Ako lang pala. Sorna.

Ako ang nangunguna sa klase namin. Oh. Di nanaman halata? Kaya nga pati yung mga epal na estudyante ng school na di ko naman kaklase't di naman nakikita ang performance ko sa klase ay di bilib sakin. Dahil nga, simplehan lang ang galawan ko. Pero! Yung mga kaklase ko naman naniniwalang deserve ko naman yun. Yung iba kasi, kala nila dinadaan ko lang sa itsura. Nakks. Aanhin ko yun? Eh puro babae nga profs namin? Mwahaha. Belat.

Maputi ako, may mapungay na mata, manipis na labi't saktong katawan, ayokong sabihing sexy kasi sa katunayan, medyo fayat ako. Pero sakto na rin kasi di naman ako buto-buto't flat chested. Swakto lang. Swak na swak para sa height ko. 5'2 and a half ang height ko. Swakto din para sa isang Pilipina. Pfft. (Ayaw lang tanggaping maliit sya eh noh. XD)

Marrying My Bias: iKON's Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon