MMB1: Career

469 12 1
                                    

Althea's POV

'Holler! Holler! Holler!'

Tamad akong bumangon at pinatay ang maingay na alarm clock. Feeling ko di pa ko nakakatulog. Nabigla lang siguro ang katawan ko sa tatlong oras na practice kahapon.

"ALTHEAAAAA! BABA NA!" Ayan na ang mala-alarm clock ding tinig ng nanay ko na tumatawag na sakin sa baba.

"OPO MA! ETO NA!" Sigaw ko pabalik.

Pagkababa ko'y tapos na siyang kumain. Wow. Salamat sa paghihintay.

Pero nang maharap ko si mama ay may agad na sumagi sa isip ko. Oo. Hindi pa pala ako nakakapagpaalam tungkol diyan sa pagsali sa dance troupe. Napakagat ako sa labi ko.

"Hmm... Ma." Simpleng tawag ko sakanya habang kumukuha na ng kanin at ulam sa hapag.

"Oh?"

"Hmm... Kahapon pala, inalok ako ni Sir Mendez na sumali uli sa dance troupe." Sabi ko nang may kaba.

"O ano namang sabi mo?" Dinig ko ang nagbabadya nang galit ni mama sa tinig niya.

"Umoo ako ma." Simpleng sagot ko. Pinagtatakpan ang kaba. Sumubo ako ng pagkain ko.

"Ano? Hindi ba umalis ka na diyan?" Inis na sabi ni mama. Di ko siya matignan. Tiyak na mabablangko lang ang utak ko pag tinignan ko pa siya.

"Yung tito mo, alam na ba niya? Di mo nanaman iniisip ang sarili mo ah. Para ipaalala ko sayo, umalis ka dyan noon dahil di kaya ng katawan mong pagsabayin ang pag-aaral at yang career na iyan. Tapos nagmamatigas ka nanaman ngayon." Utas niya at nawawalan na tuloy ako ng gana dahil sa kaba. Nakakatatlong subo pa lang ako.

"Ma... Alam mo naman siguro kung gano ko rin kamahal ang pagsasayaw at pagkanta. Isa pa, hanggang kahapon na lang din kasi ang deadline nung desisyon. Kung binigyan pa siguro ako ng mas mahabang oras, I assure to ask you and tito's permission first." Sabi ko. Kailangan niya kong payagan. Kailangan ko siyang mapapayag.

Napabuntong hininga si mama. Iniligpit niya na ang kanyang kinainan. Oo. Pinagligpitan niya ko.

"Tawagan mo ang tito mo ngayon at humingi ka ng permiso. Concern lang naman ako sa health mo anak eh." Aniya't tumalikod na sakin para hugasan na ang pinagkainan niya.

Gaya ng sinabi niya'y kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tinawagan si tito.

"Hello?" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Tito? This is Althea." Sabi ko at narinig ang kanyang pagngisi sa kabilang linya.

"Bat ka napatawag pamangkin?" Ani tito.

Napatingin ako kay mama na ngayo'y nagpupunas ng kanyang kamay at nakinig na sa usapan namin ni tito.

"Hmm... Tito, sumali po kasi ako uli sa dance troupe ng school." I said then licked my lips.

"Oh? What can I do about that darling? May kailangan ka ba?" Agad akong napangiti sa sinabi ni tito. Napatingin ako kay mama na napabuntong hininga ngayon. Wala siyang magagawa. Haha.

"Ah! Wala po tito. Hehe. Sige po! Ingat kayo. I love you tito!" Sabi ko at pinutol na ang tawag.

Tinignan ko si mama na nakangiti na ngayon. Niyakap ko siya. Nagtawanan kami.

"Basta anak ah, mag-iingat ka." Ani mama at tinapik ang balikat ko.

Ngumiti ako para bigyang kasiguraduhan ang pag-oo ko. "Of course ma!" Sabi ko.

Umalis na ko ng bahay at nagtungo nang school. Nakasalubong ko sila Ayla at Reiko na magkasama ngayon.

"Best!" Nakipag-apir sakin si Ayla.

Marrying My Bias: iKON's Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon