Yoo Mi's POV
Hindi ko na kailangan pang magbusy-busyhan pa para libangin ang sarili ko para makalimutan ang eksena noong isang araw. Dahil busy na talaga ako matagal na. But what's bad is that everytime I pause, I still think of him and his line.
Busy ako sa kakapractice para sa Queen of the Highest na sasalihan ko. Matagal nang usap-usapan ang show na ito dahil sa init ng labanan ng mga biriterang singers ng industriya. Kaya naman sobrang tensyon ang nararamdaman ko sa tuwing nag-eensayo ako. Mananalo kaya ako? Will I be able to atleast meet the judges' expectations? Balita ko kasi'y mga batikan na sa pagkanta ang mga manghuhusga sa amin. Nakakatakot magkamali ng kahit isang sharp o nota lang. See? Nakakakaba!
Napili kong kantahin ang Domino ni Ariana Grande. Pop pero mataas ang tono.
"I'm feeling sexy and free
Like glitter's raining on me
You're like a shot of pure gold
I think I'm 'bout to explode...I can taste the tension like a cloud of smoke in the air
Now I'm breathing like I'm running cause you're taking me there
Don't you know? You spin me out of control..."Ginawa kong ballad version ang unang dalawang stanza tapos ay gagawing mas energetic pa sa tunay na tono ang mga susunod na saknong. I want it to be explosive and enjoyable at the same time. Halos lahat kasi ng napanuod kong sumali dito ay ballad ang kinanta. Para maiba naman ay pop ang kakantahin ko. Malay natin at madala sa ganun ang mga hurado.
[Jinhwan]
Hey. Have you eaten your lunch? Don't skip. Okay?
Nagtext nanaman siya. Akala ko matapos nung sinabi niya noong isang araw ay hindi niya na ko kakausapin dahil sa hiya o ano. Feeling ko kasi hindi niya naman sinasadya ang sinabi niya. That he's just mad because of the delay of his frappe. But the way he walked out that night... But why would he say that? Right? Mema lang? Ganun agad kabigat samantalang nakalimutan lang naman ang frappe niya?
Kumikirot ang puso ko habang nagrereply sakanya.
[Reply:]
I'm done. Ikaw din kumain ka na? Where are you?
Ayokong maging sweet pakinggan dyan dahil parang mali. Ibinabalik ko lang ang kung anong sa tingin ko'y ginagawa niya.
[Jinhwan]
At a restaurant. Kumakain na ko. :)
I see. Maybe kasama niya si Jimin. Nitong mga nakaraang araw ay madalas daw nilang hindi kasama si Jinhwan sa mga paglabas dahil may sarili itong lakad ayon kay Junhoe. Ganun din ang balita sakin ni Hanbin. He's probably on a date that time.
[Reply:]
Okay. Text you later. May rehearsal pa ko.
Itinago ko na sa bag ko ang phone at nagrehearse na ulit. Pinilit kong magconcentrate at ituon ang sarili sa pag-abot sa mga nota ng tama. Pinagpapawisan ako habang pinagsasabay ang pagsayaw sa pagkanta. Singing while dancing is no joke!
Para mas mafeel ng lahat ang performance ko ay sinamahan ko na ito ng kaunting sayaw. Pero hindi masyadong magalaw dahil una sa lahat ay singing contest ang sinalihan ko. Pangalawa, ay para maabot ko pa rin ng tama ang mga nota.
Halos mabutas ang dibdib ko sa kaba nang dumating ang araw ng kompetisyon. Nalaman kong si IU ang makakalaban ko kahapon at halos hindi na ko nakatulog ng maayos dahil sa kaba. How I wish na kasing dali lang siyang patumbahin gaya ng domino pero hindi eh. I know her capabilities. We all know where her talent brought her. And it's freaking me out.
Sabay ng kompetisyon ang pagshu-shoot ng Yoo Mi Everyday. Kaya nailalabas ko ang kaba ko kahit sa harap man lang ng camera. Naghintay lang ako sa backstage habang pinapanuod ang makapigil-hiningang performance ni IU. I wish I could do more than her. How I need self-confidence right now.
BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
FanfictionTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...