Yoo Mi's POV
Kinabukasan para sa huling araw ng shooting ay kasama ko si Serenity. Si Jinhwan naman ay kasama pa rin si Jimin. Kahit siguro hindi ko mabasa yung article ay iisipin ko pa ring sila pa rin diba?
Kagabi bago ako matulog ay nag-ala detective ako sa paghahalungkat ng mga pictures nila. Ito ang gawain ng isang fan na tulad ko. Pag may issue na may girlfriend si bias, hahanap ng butas mapatunayan lang na hindi iyon totoo. Pero yung mga kuha ng Dispatch ay gaya lang ng sa BaekYeon dati. Walang lusot dito. Mukhang lahat totoo. Hindi ko na kailangan ng confirmation mula sa dalawang kompanya.
Later pagkatapos ng shooting ay pupunta ako kina Taeyeon para iwan doon si Serenity, magshu-shooting kasi ako ng WGM. Pinag-iisipan ko kung kakausapin ko ba sya tungkol kay Baekhyun o hindi.
Sa lalim ng mga iniisip ko ngayon ay hindi ko na alam na natutulala na pala ako.
"Huy! Okay ka lang?" Tanong ni Bobby matapos mag-snap ng daliri sa harapan ko.
Tumango ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri.
"Bakit ka tulala? Hmm, probably because of the little guy." He concluded.
Ngumisi lang ako at inilingan siya.
"Naku, wag ka magpaapekto dyan ah. Nandyan pa naman si Hanbin oh." Natatawa niyang sabi habang nakaturo sa walang kamalay-malay na si Hanbin sa gilid.
So... It's true? Kung hindi totoo ang dating issue nila Jimin at Jinhwan ay hindi niya irereto sakin si B.I at sasabihin niyang wag maniwala sa issue, hindi ba? Pero hindi niya ginawa, so... Ouch.
Nagsimula na kaming magshoot. Kitang-kita ko ang matatamlay na mga mata ni Jimin saamin ni Jinhwan tuwing nagduduo kami't kailangan ng kaunting sweet interactions. Weird. Dati ay chinicheer niya ko sa kahit na anong gawin ko at namin. Ngayon, simula nang ma-issue uli sila ay mukha na siyang naiirita tuwing nakikita ako. Maybe there's really something between them. So should I start staying away from him?
"Whooo! Sa wakas!" Pumalakpak si Junhoe at nag-ingay matapos ng shooting. Lagi naman itong maingay.
"Huli na ba natin itong pagkikita?" Medyo nag-aalalang tanong ni Chanwoo.
Ako ay nakaupo lang sa harap ng salamin habang tinatanggalan ako ng make-up ng artist at nagtatanggal naman ako ng chain ear cuff ko.
"Hindi naman siguro. Diba, Yoo Mi?" Masayang tanong ni Dong.
I smiled, "Oo naman. Pupunta pa rin ako sa dorm niyo pag may libre akong oras." Pag. Pag lang.
I-eedit na kasi itong video at wala na kaming dahilan para magkita pa. Pwera kung magpo-promote na kami. Dun ay magsasama na kami. Pero isang linggo mahigit kaming hindi magkikita-kita dahil ieedit pa nga ang video.
"Or kami ang pupunta sayo? Okay lang naman sa mga fans diba?" Sabi ng kaninang nag-iingay na si Junhoe.
"Hmm, oo? Pero wag siguro natin silang abusuhin. Mahirap na... Ayokong may lumabas na dating issue saatin kahit di naman totoo. It'll surely ruin our interactions."
Oo. Ayokong magaya kami sa BaekYeon. Patago na lang na magkaibigan at walang freedom maglalalabas di tulad naming iKON ngayon.
Pero hindi talaga ako makapaniwalang sinabi ko yung "dating issue".
"Ehem..." si Bobby.
"Wala naman sigurong magdedate sainyo diba?" Agad akong napatingin kay Jimin sa sinabi. Nakangiti siya. Para bang siguradong sigurado sa sinabi.
Natahimik kaming lahat.
"Kasi magagalit talaga ang fans pag nagkataon. They trusted you guys na friends lang kayo tapos..." nagkibit siya ng balikat.
BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
FanfictionTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...