Yoo Mi's POV
Hindi na ko bumalik sa practice noong gabing iyon. Nagdahilan na lang ako na sumama bigla ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakabalik. Paniwalang-paniwala naman sila dahil namumugto at mukhang wala talagang tulog ang mga mata ko kinabukasan.
Pinagkaguluhan tuloy agad ang isang picture ko sa IG nang magsuot ako ng mask, shades at cup ng sabay-sabay habang papuntang SM dahil first time ko magtakip ng mukha ko ng ganun ka-OA. Nagtaka lang sila. At wala akong balak sagutin ang mga katanungan nila.
Nagpapasalamat ako at naidaos ko ang isang linggo kahit papaano. Lahat ng ala-ala ng nakaraan ay sinubukan kong isantabi. Hindi iyon madali pero hindi ko rin naman ako minamadali. Malalim ang sugat na ginawa ni Jinhwan saakin. Nahihiya nga akong humarap sa camera ngayon sa takot na baka kaunting titig lang dito ay lumabas na nagpakatanga ako sa isang lalaki. Nakakababa ng confidence.
Ngayon ay nandito ako sa SM Coex Artium para sa isang Special Stage Performance kung saan kakantahin ko ang mga soundtracks ng Phenomenal Korean Novela of 2016, Descendants of the Sun. Mas maayos ang boses ko ngayon kaysa sa nung nakaraan kahit na umiiyak ako ng sobra gabi-gabi. Medyo ngongo pero keri lang. Hindi naman ako sa ilong kakanta.
Minsa'y tinataasan ko o mas binibigyang diin ang ilang nota para ma-emphasize ang emosyon dito. Kailangan kong galingan ang pagkanta lalo na't nandito lahat ng cast ng DOTS (#SongJoongKiIsLife <3) at ang mga totoong singers ng mga kinakanta ko ay nandito rin.
Panghuli kong kinanta ang You Are My Everything. Kahit medyo hirap ako sa pagkanta ngayon dahil sa sunod-sunod na gabi ng pag-iyak ay nakanta ko naman ito ng maayos. Kailangan eh. Nakakahiya naman kay Joong Ki at doon sa kumanta.
Binirit ko iyon ng maiigi. Nagstanding ovation silang lahat pagkatapos. Seeing them being proud and amused like this almost made me cry. Teary-eyed tuloy ako habang kumakaway at patuloy na nagba-bow sakanila.
Pagkatapos ay nagpicture-picture na ang lahat. At inupload ko iyon sa IG pag-uwi kasama ang picture namin ng SongSong couple kung saan nakapagitna ako sa dalawa. Nakaakbay saakin si Joong Ki at ako naman ay nakaakbay kay Hye Kyo. Nahiya naman ako sa dyosang ito. Pero gaya ng ilang nagcomment sa picture na iyon, may hawig daw kami. Siguro ay dahil parehong maamo ang mukha namin sa picture na iyon. Pero nang tignan ko ang mukha ko sa salamin ay hindi naman.
"OH MY GOD! Bukas ka na pala pupunta dito?! Oh God! MISS KA NA NAMIIIIIN!" Mula sa pagwawala ay biglang naluha si Ayla.
Kasama niya ngayon ang buong 2218 at ang pamilya ko. Nagsisiksikan sila para lang makita sa screen. Mama is on a simple house attire and papa seems to be going to his job. Nag-aayos siya ng relo sa likod.
"Ako din..." Nanginig ang boses ko. Ito nanaman...
"Awww..."
Nag-iyakan na kami. Binakante talaga ang oras ko ngayon para makapagpahinga ako para sa byahe bukas ng madaling araw. At ang unang destinasyon namin ay ang Pilipinas kung saan isang linggo ako mamamalagi. Apat na araw namin hiniram ang Boracay. Mahal ang pagkakabayad dito dahil ibig sabihin nito ay sa amin lang muna ang Boracay sa apat na araw na iyon at walang ibang makakapasok.
"Anak, makakapunta ka ba dito sa atin?" Tanong ni mama habang nagpupunas ng kanyang luha.
"Susubukan ko po, ma. Alam ko kasi kayo na lang ang papuntahin sa akin."
Yun nga ang plano. Pagkakaguluhan daw kasi ako pag pumunta ako saamin. Hindi masyadong safe. Kaya baka sumama na lang din sila sakin sa Boracay habang nagsh-shoot.
"OMG! Pwede kami sumama?" Nagdiriwang na tanong ni Reiko.
Ang mapupungay niyang mga mata, matangos na ilong at maninipis na labi ay mas gumanda ngayon. Siguro dahil ito sa maturity. Tanda ko pa noon kung paano ako laging naiinsecure sakanya tuwing tumatabi siya sakin.

BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
FanfictionTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...