Yoo Mi's POV
Hindi nagtagal ay umalis na rin sila sa condo ko dahil pinatawag sila ni YG. Pinagpatuloy ko naman ang araw ko sa pagmamasid sa mga bashers. Kung lumalamig na ba ang mga ulo nila o ano.
Kinabukasan ay nagsimula na uli ang hectic na schedule ng buhay ko. Within four days all I did was to shoot pictorials, interviews, attend events and guest on shows. At dahil dito at hindi na din kami gaanong nakapagchikahan ng iKON. Naghahanda din naman sila para sa comeback nila. I didn't mind to bother them hangga't hindi ang isa sakanila ang unang magtext.
Yoo Mi hits 4 million followers on Instagram
Nangiti ako nang makita ang headline ng Allkpop ngayon. Naisipan ko tuloy i-screenshot ang profile ko at magpasalamat sa mga followers kahit na hindi ko alam kung kalahati nito'y bashers naman. Ang dami ko ding nahakot dahil doon sa naging dating issue noh. Talagang don't dare to mess with EXO's sasaeng fans or else...
Hindi naman nila ako sinaktan or wala namang nagpakasakit sa sarili nila. Sadyang di ka lang nila tatantanan sa IG mo. Pero masasanay ka din at minsa'y makakabisado mo na ang username nila dahil lagi silang present sa comment box ng post mo. Daig pa ang mga fans.
Hindi naman gaanong naapektuhan ang career ko. Matapos kasi nung cancellation ng schedule ko ng isang araw ay balik na rin sa dati. Kinumpirma ko na rin kasi sa sarili kong bibig sa isang talk show na isang malaking coincidence lang talaga ang nangyari. Maraming bashers ang natauhan doon at tinantanan na ang IG ko.
"Nagkita na ba kayo nun? I mean, close ba kayo?" Tanong ni Hanbin nang muli kaming magkita para sa practice at paakyat kami ngayon papunta sa practice room. Nasa likod lang namin sina Donghyuk, Junhoe at Chanwoo na kasama niya magsundo sakin sa baba kanina.
"Hmm, kinda close. Dalawang beses na nga ako nakapunta sa dorm nila diba. Eh masyado pa namang friendly yun. Sila ni Yeol, Lay at Kai actually ang mga ka-close ko sakanila." Sadlife. Medyo cold kasi talaga si Sehun. Hindi naman sa cold gaya ni Jinhwan pag may topak. Medyo hindi lang talaga friendly and approachable.
"Oh... Nagkausap na ba kayo matapos nung issue? Anong sabi?" Tanong niya't siyang pasok naman namin sa practice room. Bumungad agad sakin sina Bobby at Jinhwan na nagsasapukan habang nagtatawanan. Natigil sila.
"Oo. Wala naman siyang sinabi. Pareho lang kami ng nasa isip. Na dapat ituloy lang namin kung anong closeness ang meron kami kasi kung hindi, maghihinala lang lalo ang mga fans. Diba?" Sabi ko habang naglalakad patungong couch kung saan nakapwesto ang bag ni Yunhyeong.
"Ano yun?" Pag-uusisa ni Bobby.
Napangisi naman agad si B.I dahil sa attentiveness na pinakita ni Bobby. Talagang pag chismis ang bilis nitong lalaking ito eh.
"Wala." Ani Hanbin.
"Nga pala, pinapatawag tayo ni CEO. Susukatan na daw tayo para sa susuotin nating damit sa MV. Tapos nun, practice na."
Nangyari nga ang sinabi niya. Pumunta kami sa isa pang kwarto kung saan nandoon si YG-nim at mga designer siguro.
Sinukatan ako. Nagbago ang body statistics ko. Pumayat ako. Yung braso ko pumayat. Pero yung beywang ko rin ay pumayat kaya lumapad tuloy tignan ang balakang ko.
"You've got a perfect x-line, Yoo Mi!" Nahiya ako't sinigaw pa talaga nung nagsusukat sakin ang napansin.
X-line. Kurba yun ng katawan. Parang kay Krystal. Pero mas may laman lang ako ng konti. Hindi din parted ang thighs ko unlike her. Though mapayat pa rin ako tignan. Hindi lang talaga parted ang thighs ko.
"Whoa." Ani Hanbin at hindi ko alam kung para saan yun.
"Ito ang design ng mga susuotin niyo. Meron kayong tatlong set ng damit. The first one will be a product of leather and mesh clothings." She gave the each of us a folder. "Ayan... Nandyan yung mga sketch. Take a look." Aniya.
BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
FanfictionTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...