Yoo Mi's POV
Uminom nga ako. Sabi niya eh. Pero limang shots lang iyon ng limang punong shot glasses. I can feel na nag-iinit na ang mukha ko. Tumigil na din ako dahil mukhang pulang-pula na ako.
Si Jimin naman ay tuloy-tuloy ang pag-inom. Sakanya na yata ang isang bote eh. Hinayaan na lang din nila dahil nga may pinagdadaanan. Pero noong una ay nagagalit pa si Jinhwan.
"I can't believe I'm taking care of two drunk girls right now. God." Ani Jinhwan nang mainis na dahil panay pilit ni Jimin na uminom nanaman muli ng isang shot.
Agad kong kinunot ang noo ko sakanya para umangal, "Hey! I'm not drunk yet! Atsaka sino nagsabi sayong kailangan mo kong alagaan?" Sabi ko habang tinuturo siya.
Umirap lang siya, "Fine. Your hubby's doing it. Happy?" Nagtanong siya pero hindi ako tinignan at kinalikot na lang ang chichiryang hawak kahit wala naman dapat kalikutin doon.
Tumawa si Donghyuk na katabi ni Bobby ngayon, "I have two girls, the left and the right..." kinanta niya iyon at humagalpak sa tawa ang lahat.
Okay. I will really stop with my sixth shot. Inilayo na rin kasi ni Jinhwan saakin ang shot glass habang umiiling sa pang-aasar ni Dong.
"You're learning too..." ani Hanbin habang nakangisi.
Oo. Mang-asar. Jusko. Padami na ng padami ang kampon ni Bobby.
Wala akong magawa. I feel bored. Or inaantok na talaga ako dahil matapang talaga ang soju at first time ko pang uminom nito kaya ang lakas ng tama saakin? I grabbed my phone inside my pocket.
[To Mark:]
Hubby? Pasundo naman... Dito sa YGE. Pleaaaaaase....
"Sent!" Sigaw kong wala sa sarili.
Napatingin silang lahat sakin pero tinawanan ko lang sila at naglagay ng peace sign sa mata ko.
"Yoo Mi, oh... Inom pa!" Medyo lasing na nga itong si Jimin.
Agad na inilayo ni Jinhwan ang papalapit na shot saakin.
"Wag mo na siya igaya sayo okay?"
"Stop being oh so KJ. We're just having fun, right?" Aniya at pinilit pang iabot saakin ang shot.
Si Jinhwan na ang kumuha at uminom noon.
"Yes. We're having fun." Aniya at nagsalin pa para sa isa pang shot at agad na ininom ito. Nagpalakpakan naman ang mga lalaki.
"Drink for them, dude!" Ani Bobby at makikipag-high five sana kay Jinhwan pero hindi niya tinanggap ito. Imbes ay uminom uli. Sunod-sunod na iyon ah!
"Game! I'll drink for Yoo Mi. And Jinhwan will drink for Jimin." Biglang presenta ni Hanbin at agad na mas umingay sa loob dahil sa tawanan ng mga lalaki.
"Oy oy! No! Iinumin ko ang akin!" Giit ni Jimin at inabot nanaman ang shot glass.
"Tsk!" Kinuha ni Jinhwan ang shotglass sa kamay ni Jimin at inilayo ito sakanya.
"Jinan hyung. Hayaan mo na kaya? Gusto naman ni Jimin noona eh." Ani Chanwoo na nakakadalawang shots pa lang. Hehez. Nao-OP na nga siya saamin ditong mukhang may mga tama na eh.
"Oo nga! Para dalawa kayo ni Hanbin na iinom para kay Yoo Mi." Natatawang sabi ni Bobby.
Inaantok na talaga ako. Pero nasa katinuan pa naman ang pag-iisip ko. Sadyang inaantok lang ako kaya...
"Nope! No need! Uuwi na ko..." itinaas ko ang hintuturo ko sa ere.
Kita ko naman ang pagbaling ni Jinhwan saakin at ibinaba ang kamay ko. Napatingin ako sakanya. Bakit? Wala naman akong putok ah?
BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
FanfictionTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...