MMB5: Lesson

317 10 2
                                    

Althea's POV

Talagang kapag excited ka sa isang lakad, tila sobrang bagal ng panahon. At ito na nga ang nangyayari sakin ngayon. Ngayon lang ako naboringan ng ganito sa mga pictorials ko. Alam ko kasi sa sarili kong may hinihintay ako.

At ngayon, binibilang ko na lang ang oras ng paglipad ko pabalik ng Korea. Geez! I'm so excited!

Ilang guestings at interview ang nangyari ngayong linggo. Dahil na rin kauna-unahang Pilipino ako na magdedebut sa Korea and take note, sa SME pa.

Nakaayos na ang lahat ng gamit ko. Mga favorite na damit at gamit ko lang ang dinala ko. Kasi kung lahat, malamang ay limang bagahe ang kakailanganin ko. Ang pag-alis ko mamayang 2:00 PM ay live na kukuhanan sa TV. Kala mo naman kung sinong Very Important Person eh noh. Well, I can't blame them. This is still a history.

"Thea, mamimiss ka namin. Huhu!" Naluluha-luha na si Ayla. Niyakap ko siya para sana i-comfort man lang kaso naging dahilan pa ito nang pagtulo pa ng kanyang mga luha.

Nang dumating na ang oras ng pag-alis ay nag-iyakan na. Maging ako ay naluha. Di kasi susunod ang parents ko. Ayaw nila sa Korea. Masyado na daw silang matanda para makibagay pa sa klima't pamumuhay doon.

Mabilis na umandar ang oras. Muli kong nalanghap ang sariwa't malamig na hangin ng Korea. Ugh. This feeling... It's making my whole body shake.

Maraming camera ang nagf-flash ngayon at patuloy akong kinukunan. May nag-interview sakin bago ako pumasok ng van.

"Hello, Ms. Javier, what was your reaction nung malaman mong inalok ka ng SME ng 10-years contract?" Tanong ng reporter.

"Ah syempre nakaka-overwhelm. Nagulat ako nung umpisa. I don't know what to react. Sobra kasing nakakashock." Sagot ko.

"Anong masasabi mo sa mga fans mo ngayon na naghihintay sayo? Kasi syrempre kahit papaano, may mga fan ka na after publishing your book here and knowing na it was really a hit, there are many of them!"

Natawa ako sa sinabi ng reporter.

"Ahm... First of all, I wanna thank them for putting so much love and support to my book and me as well." Sabi ko at tuluyan nang sumakay ng van.

Balita ko bago ako umalis ay may kaunting nambash dahil sa naging desisyon ko. Doon daw kasi ako lumaki at sumikat sa Pilipinas at ngayo'y pupunta nang Korea para doon magpasikat at magpayaman. Wala daw akong utang na loob. And with that accusations, napagkasunduan ng grupo namin at ng SME na paglalaanan ako ng oras ng Channel 7, 10:00-11:30 PM every Saturday, para ipalabas ang mga Korean Programs na dadaluhan ko sa Pilipinas. That's a deal. No dubbing, pure subs only. The problem was then solved after that deal.

Dumiretso ang van sa SME at doon ay naganap ang isang closed door meeting. Dito... nangyari ang pirmahan ng kontrata.

"I want this to be clear, Thea. Uhm... Im Yoo Mi, rather. You're not an idol yet. But, you will have guestings, interviews, collabs, CFs and special appearances already. We'll be waiting for the right time to debut you officially as a solo artist under SME. You'll be releasing an album and will rule the WORLD music charts at the very right time." I smiled at Mr. YM. I understood. At ang pinaka gusto ko sa sinabi niya ay ang collab. Dito ay tiyak ang pakikisalamuha ko sa iba't ibang K-idols. Can't wait for that time.

By the way, Im Yoo Mi na nga pala ang stage name ko. It is under the contract. Nagutuhan ko naman iyon. Cute.

"Congrats and welcome to the company, Yoo Mi!" Sabi ng lahat ng SM Staffs sa loob matapos kong pumirma.

Matapos ng meeting ay agad akong dinumog ng mga reporters sa labas. Marami akong narinig na nag-congrats. Nginingitian ko lang sila. Nakakapanibago ang dami ng ilaw na dulot ng flash ng mga camera sa paligid ko ngayon at sobrang siksikan din. Masyado kasing marami ang mga reporters ngayon dito para sa corridor ng kompanya.

Marrying My Bias: iKON's Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon