MMB31: Sure

212 5 1
                                    

Yoo Mi's POV

"Whoaaa. You sound frightening, hyung." Sarcastic na sabi ni Chanwoo saka sila sabay tumawa ni Donghyuk.

Hindi pinansin ni Jinhwan ang narinig at pinagpatuloy ang pagtitig saakin. Ako naman ay napako sa kinatatayuan. It's like he's hypnotizing me and he's telling me to stay from where I am.

Pero tumunog ang door bell dahilan para lumingon ako sa pinto. Lalapit na sana ako para buksan iyon pero nauna pa saakin sila Bobby.

"Kami na, kami na! Usap na kayong dalawa dyan. Kami na maghahanda ng pagkain." Buong ngiting sabi ni Bobby.

Laglag lang ang panga ko. What the heck? Hindi ko na uli sila papupuntahin dito! Swear!

Inis akong napabuga ng hininga. Si Jinhwan naman ay tumawa. I threw him a death glare.

"Anong parusa, ha! Tsk!" Padarag akong nagmartsa paakyat ng kwarto ko.

Agad akong nagtanggal ng sapatos pagkapasok at tumalon padapa sa kama ko.

"Aish!!!" Pinalu-palo ko ang kama ng dalawang kamay ko, salitan.

Nakakainis kasi siya! Hindi man lang siya nagparamdam tapos biglang ganyan?! Wala na bang mas gugulo pa sa utak ng pandak na yun?!

Nang mahimasmasan ng konti ay nagpasya na akong maligo. Mabilis lang para naman masabayan ko pa silang kumain doon sa baba mamaya kahit na medyo nakakawalang gana.

Bumaba na uli ako nang may tuwalya pa sa ulo ko. Naka oversized t-shirt na lang ako, shorts at bunny slippers.

"Oh! Nandyan ka na pala. Bigla-bigla ka na lang nawawala. Kumain ka na nga dito!" Sinalubong na ako ni Yunhyeong at hinila papuntang sala para masiguradong makasama na nila ako.

Itinabi niya ako kay Jinhwan. Hindi naman ako tinignan ng pandak at nanatili lang ang mga mata sa TV. Pero nang mapagtanto ko kung ano ang pinapanuod niya ay tumaas agad ang alta presyon ko.

"Mas maganda yata sa M-Countdown." Inagaw ko ang remote sa kamay niya at nilipat ang channel.

Si Taeyeon ang kumakanta. Mas maganda na siguro ito kaysa panuorin niya si Jimin na nasa isang interview, hindi ba?

"Yoo Mi, ito ang pagkain mo."

Tinignan ko ang paglapag ni Hanbin ng pagkain ko sa center table. Pero nalipat agad ang tingin ko sa kamay ni Jinhwan na naglakbay sa kaliwang kamay ko. Akala ko'y aagawin niya ang remote pero ang palapulsuhan ko ang hinigit niya.

"Your hand looks sexy with my bracelet on it." Nakangiti siya habang sinasabi ang mga iyon.

Ngumuso ako at agad binawi ang kamay ko. "Tss. Matagal nang sexy ang kamay ko. Tinitignan mo lang kung suot ko ang mga bigay mo eh. Wag ka mag-alala, suot ko po." Ipinakita ko sakanya ang kwintas na kanina pa nakatago sa t-shirt ko.

Ngumiwi siya, "Kumain ka na nga. Daldal mo, mali naman hinala mo."

EDI WOW!

Inirapan ko na lang siya at kinuha ang pagkaing inihanda saakin ni Hanbin. I mean, kukunin ko na SANA, kundi lang uli may umepal na pandak at siyang mas nauna pang kumuha ng pagkain na tinutukoy ko. Hindi ko alam kung paano naabot ng maiikli niyang mga braso ang pagkain ko sa distansya niyang iyon! Kaunti na lang talaga at sasabog na ko sa inis.

"Ako na ang kakain nito. Kumuha ka ng sarili mong pagkain." Aniya at sumubo na agad.

Mahigpit ang pagkakatiim ng bagang ko. Matalim din ang titig ko sakanya. Inis akong tumayo at nagtungo sa kusina para kumuha ng SARILI KONG PAGKAIN.

Marrying My Bias: iKON's Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon