Yoo Mi's POV
Masarap ang tulog ko pero ang sakit ng ulo ko ngayong habang kumakain ng umagahan. Siguro'y dahil sa biglaang pagbangon. I got myself a cereal and a glass of milk. Kakain naman kami ng iKON mamaya eh. Baka mabusog ako agad.
Nakatulala ako habang dahan-dahan na nginunguya ang kapirasong cereal na laman ng bibig ko. Why? Why do I feel so lazy right now? Right timing it is! Ang dami ko pang bubuksang regalo at nang silipin ko iyon mula sa kinauupuan ko ay mas sumakit lang ang ulo ko.
Dinampot ko agad ang cellphone ko sa lamesa at agad na pumindot ng numero.
"Yoboseyo?"
Napatakip agad ako ng bibig at nagising sa narinig.
"N-nagising ba kita Sehun-ah?" Nag-aalalang tanong ko.
But it's 10:00 in the morning!
"Hmm... Yeah. But it's okay. Now what?"
Mapapalipbite ka na lang talaga eh. So sorry!
"Uhm... Sorry talaga. Ano kasi, I need a backup."
BACKUP? BACKUP, YOOMI? SRSLY? AND YOU'RE CALLING A GUY, HUH?!
"Forrrr?"
"Opening my gifts." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.
Isang subo na lang ang cereal ko at inubos ko na iyon. Tumayo ako at inipit ang phone sa tenga para makapaghugas ng pinggan.
"Oh... I see... 'Kay... See you. Magshoshower lang ako."
"Ohhhh! Yaaahhh! Teka! Dito ka na kumain ng almusal." Pahabol kong sabi.
"You'll cook?"
"Of course!"
"Okay. Sure." Aniya sabay end ng tawag.
Kahit kailan talaga ay cold ang payatots na iyon.
Nang matapos na ako sa paghuhugas ng pinggan ay diretso na ko sa paglilinis ng kwarto at ng sala kahit may mga regalo pa doon. Ayoko naman datnan ni Sehun na magulo ang condo ko noh!
At hindi pa nga ako tapos maglinis ay nakarating na ang loko. Kasama si Yeol at Baekhyun. Yeol at Baekhyun... Yeol at... Whut? Bat sila kasama?
"Sumama sila." Bigo ang tono ni Sehun nang mapagtantong nagulat ako at may kasama siya.
Napapikit-pikit ako at ngumiti. "Ano ka ba ayos lang. No problem! Upo kayo!"
"Wowwww. Ang ganda naman ng condo mo, Yoo Mi? Sobra pa saming siyam toh eh!" Manghang sabi ni Baek.
"Edi dito ka na." Sabi naman ni Yeol.
"Baliw." Tanging sabi nya.
Hinayaan ko na lang uli sila... este si Baekhyun na guluhin muli ang inayos kong sofa. Tapos na kong maglinis at ngayon ay magluluto na ako.
"Uhm maiwan ko muna kayo dyan ah? Magluluto lang ako ng breakfast niyo. Mabilis lang toh."
I cooked them bacon, egg and ham. Sinamahan ko na rin ng shake na ako mismo ang gumawa.
"You got us bacon, egg and ham but you only got yourself a cereal?"
Halos mapalundag ako sa gulat nang marinig si Sehun mula sa likod ko. Ang lapit niya kasi!
"What?" Tanging nasabi ko.
"Sabayan mo kami kumain."
Napakunot ang kilay ko. "Hmm? Okay na ko. Ho sya, tumulong ka na maglagay ng pinggan sa mesa at tapos na ko dito magluto." Sabi ko at nilingon siya para sana ngitian kaso napawi rin agad ang ngiti ko nang makita ang mga mata niyang seryosong nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
FanficTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...