Yoo Mi's POV
Naka denim shirt dress, low cvo sneakers at panyong naka-pony-tail sa ash grey kong buhok lang ang outfit ko pauwi galing China. Ilang fans muli ang nag-abang saakin papunta't pauwi. At gaya ng sabi ni Jinhwan, suot ko ang kwintas na bigay niya. Suot ko na ito lagi. Tuwing naliligo na lang ako ay saka ko ito tinatanggal.
Usap-usapan na nga ang kwintas na ito sa IG. Bagay daw saakin ito dahil... Hindi ba't angelic ang unang impression nila saakin. Isang mahinhin at inosenteng anghel. Hanggang sa magsayaw ako ng hiphop, nabasag agad ang unang impresyon na iyon. Lagi ko rin itong suot maging sa naging presscon ko doon. Nagshu-shoot din ako ng Yoo Mi Everyday nung mga panahong nagrerecord ako. Who wouldn't notice it kung sa lahat ng mga pangyayaring iyon ay suot ko ito?
"Where's your necklace, Yoo Mi?" Tanong ni Jinhwan nang muli kaming magkita-kita ng iKON para sa pictorial ng I'm Your Man.
Ang totoo ay iniwan ko muna iyon sa condo. Pictorial naman kasi ngayon at tiyak na maraming ipasusuot saaking accessories at hindi kasama ang wing necklace na iyon doon.
"I-Iniwan ko muna-" Hindi pa ko natatapos sa sinasabi ay lumingon na agad siya sa ibang direksyon at may iba nang pinagtuonan ng pansin.
Agad kong pinagsisihan ang ginawa. Okay! Kailangan o hindi, isusuot ko na!
Wala nang sinayang na oras ang lahat at inayusan na kami. Mabilis lang na natapos ang mga lalaki't pinanuod na lang ang pag-aayos saakin.
"Jinhwan's gonna fall once again for today." Bulong ni Bobby sa gilid ko pero dinig na dinig ko iyon habang nakapikit ako at nilalagyan ng make-up artist ng eyeliner ang mata ko.
Nakakulot na ng bahagya ang buhok kong ash grey ang kulay at ginawang itim ang roots nito. Naka-half ponytail na din ito. Nang buksan ko naman ang mga mata ko ay agad akong namangha sa nakita. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na kaya ko pang gumanda ng ganito. Masasabi kong magaling nga ang make-up artists nila dito sa industriya.
Nilagyan pa ko ng grey contact lenses at mas lalo lang akong nahulog sa sarili ko. Naririnig ko na rin ang pagtawa ng mga lalaki sa gilid ko dahil iniisip nila ang magiging reaksyon ni Jinhwan pag nakita ako. Wala kasi siya dito at hindi ko alam kung nasaan o anong ginagawa nun. Wala naman akong naririnig sa mga lalaking makakasagot sa tanong ko.
Suot ko ang isang puting cropped racerback tank, itim na sailor shorts, at itim ding longline mesh cardigan. I'm showing too much skin, I think, and I'm not comfortable. Nang matapos tuloy ang pag-aayos saakin ay nag-aalinlangan pa akong tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Wow, Yoo Mi." Mas nahiya ako nang makita ang nakangangang si Bobby.
Siniko siya ni Donghyuk. "Hey. That's Jinhwan's." Bulong niya rito.
Tumawa na lang ako at naupo sa isang couch. Pinanuod ko ang pag-aayos ng mga staff sa mga ilaw, camera at sa set na kailangan. Napabaling agad ako sa biglang nagsigawang mga lalaki sa tabi ko.
"Uy! Jinan hyung!" Nakita kong sinalubong ni Chanwoo si Jinhwan ng akbay.
Nung una ay nilingon niya si Chanwoo pero nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang napanganga at kitang-kita ko iyon. Nilapitan naman agad siya ni Junhoe at siya mismo ang nagsara ng bibig ni Jinhwan. Nagtawanan ang lahat. Hindi ko naman mapigilan ang pagkabog ng puso ko sa nangyayari. Tama nga ang narinig kong mga hinala nila kaninang magiging reaksyon ni Jinhwan.
These guys should stop teasing the two of us. Ayokong maging awkward ang magiging pictorial dahil sigurado akong kahit anong ganda ko ngayon ay pangit pa rin ang kalalabasan ko sa mga kuha pag nagkataon.
Nag-iwas na lang ako ng tingin hanggang sa naramdaman kong pinagtabi nila kami ni Jinhwan sa couch. Napaurong ako sa ginawa nila. Ramdam ko naman ang pagbaling niya sakin dahil sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
Fiksi PenggemarTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...