MMB22: Invading

211 10 1
                                    

Yoo Mi's POV

Sa bilis ng tibok ng puso ko'y hindi ko na alam kung buhay pa ba ko. Jinhwan's killing me softly.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang magkabilang balikat ko't ngumisi. Inikot niya ko't dinala patungong driver's seat.

"You look so damn cute when you're nervous." Sabi niya't ginulo ang buhok ko. Sinarado niya na rin ang pintuan.

Ano yun? Anyare? Is he playing with me?

Akala ko'y isang paalam na ang ginawa niyang iyon. Pero laking gulat ko nang pumasok din siya sa front seat.

"Leggo." Aniya.

Nanatili akong nakatunganga sakanya. What is he up to? Hindi ba't may meeting sila ng iKON? Yun ang paalam sakin ni Hanbin.

Nilingon niya na ko nang ilang saglit pa'y hindi ako gumalaw.

"What? Hindi ka pa ba nagugutom, Yoo Mi? Ala una na oh."

W-what? Is he asking me to eat lunch with him? Seriously?

"J-Jinhwan, hindi ba't may meeting kayong iKON?" Tanong ko.

"Kina Hanbin at Bobby lang iyon."

Oh! Akala ko... Okay.

Nagkibit ako ng balikat at inistart na ang engine.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko at nagsimula nang magdrive.

"Sa condo mo."

Agad akong napabaling sakanya pero binalik din ang tingin sa daan.

"Pero... Wala pa akong nalutong pagkain doon." Pangatwiran ko dahil iyon ang totoo.

"Then cook for me." Simple niyang sinabi at nilagay na ang puting earphones sa kanyang tenga.

Maya-maya'y narealize ko na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sakanya. Iyon ang naisip kong dahilan kaya gusto niyang paglutuan ko siya ng lunch ngayon kaya hinayaan ko na lang.

I wore my hoodie jacket at cap. Naka-cap din siya nang pumasok kami sa condo. Hindi natin alam ang mga fancams. Nakamasid iyan lagi sa mga idol kaya dapat mag-ingat. We're not even dating pero mahirap na. Iba pa naman magconclude ang mga fans.

Agad siyang naupo sa sofa pagkarating namin sa condo ko. Ako naman ay nagtanggal na ng jacket at ng sapatos. Hindi muna tuloy ako makakaligo. I need to cook first. Ayoko siyang paghintayin. Siguro'y tsaka na lang pagkaalis niya.

Tinignan ko ang laman ng ref. Beef, seafood, ibang kakailanganing ingredients at rice cakes lang galing kay Irene unnie ang laman ng ref ko. Iyang mga pagkain lang naman na iyan kasi ang madalas kong kinakain.

"Ano bang gusto mo kainin?" Sigaw ko. Sa laki kasi ng espasyo ng condo ko ay medyo malayo ang kusina sa sala. That's why I shouted.

"Anything, Yoo Mi. Basta luto mo."

Napalunok ako bago kinuha ang beef at rice cake sa loob ng ref. He's a Korean. I don't know what his taste is. So I decided to cook ddeokbokki and beef steak for him.

Habang nagluluto ako ay kitang-kita ko ang mga titig niya sakin. I'm lucky na natapos ko ang pagluluto ng humihinga pa.

"Tulungan na kita." Aniya nang makitang naghahanda na ko ng mga kobyertos.

"Maupo ka na doon." Sabi niya pa kaya iyon ang ginawa ko.

Napagod din ako doon. It was a big break! Isama mo pa ang paninitig niya. Sino ba namang hindi pagpapawisan doon?

Naghugas muna ako ng kamay bago umupo at siya na ang naghanda ng lahat. Maya-maya'y umupo na din siya sa tabi ko. Good. Buti hindi sa harap ko. Dahil kung titigan niya muli ako ay hindi ko na ata kakayanin.

Marrying My Bias: iKON's Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon