Yoo Mi's POV
Masaya ang mga lalaki pagdating ko pero parang ayaw nila ako doon dahil bigla silang nanahimik nang makita ako.
"Oh?" Napataas ang kanan kong kilay habang nakangiti dahil sa bigla nilang pagbabago ng ekspresyon.
"Akala ko di na tayo magkakakilala..." ani Bobby sa seryosong mukha at boses.
Wow. Is he really serious? Really?
"Grabe... Hindi naman."
Hindi niyo kasi alam ang dahilan ko. Wish ko lang wag kayo magtampo.
"You're not answering my texts." Dagdag pa ni Hanbin.
Umupo ako sa harap ng salamin. What will I say? I gave myself a break? Dahil kay Jinhwan? What?
Huminga ako ng malalim, "Oh, sorry na." That's all I can say.
"Any explanation?" Tanong ni Bobby pero ngayo'y nakangisi na.
Seryoso ka na lang uli. Ghad.
"Ano? Syempre busy!" I laughed then faced the mirror. I started to put foundation on my face.
"At saan naman kaya?"
I didn't look at Jinhwan when he asked me.
"Trabaho." Simpleng sagot ko.
"I see. Probably, something important again, huh?" Medyo may narinig akong pagkairita sa tanong niya.
Nag-eeehem na ang mga lalaki. Nice! Make things worst!
Magsasalita sana ako pabalik pero biglang dumating ang make-up artist at nagsimula na sa pag-aayos saamin. Thank goodness for her presence.
Marami pang sumunod na mga promotion. Anim ang naka schedule sa amin lahat-lahat. At habang nagpopromote kami ay siya ring pagwawala ng mga fans dahil saamin ni Jinhwan. Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa kilig. Yes! Kinikilig sila! Nai-headline na nga kami sa ilang dyaryo dahil sa 3 million tweets na ginawa nila noong nakaraang Sabado eh. #YooJinan ang pinatrend nila at dahil doon ay mas lumala lang ang sitwasyon.
Naka-ekis ang mga braso ni Jimin habang nakatingin saamin mula sa backstage. Sinulyapan ko lamang siya at siya naman ay umirap. Nagrerehearse kami ng iKON at nanunuod siya.
Nang matapos ang rehearsal ay inabutan niya ng tubig si Jinhwan. Pero laking gulat ko nang tubigan ko ang hawak niya at doon umiinom.
"Jinhwan, akin yan!" Sabi ko at kinuha sakanya ito.
Malaki ang mata ni Jimin habang nakatingin kay Jinhwan. Si Jinhwan naman ay sakin nakatingin at tumatawa.
"Pare-pareho kasi ang mga bote. Hayaan mo na." Aniya at tinanggap ang kanina pa inaabot ni Jimin sakanyang bote ng tubig.
Hindi niya ito ininuman bagkus ay binuksan lang ito saka iniabot kay Bobby. Kita ko ang pinaghalong inis at pagtataka ni Jimin sa ginawa ng boyfriend.
"Hindi akin ito. Nasaan ang tubig ko?" Ani Bobby.
Oh.
"Naubos ko na eh." Tumawa si Jinhwan.
"Baliw ka talaga! Lagi ka na lang nang-aagaw ng tubig." Sabi niya saka ininuman rin ang tubig na bigay ni Jinhwan.
Umalis na ako sa eksena at pumunta nang dressing room para makapagbihis. So Jinhwan is doing that often. Masyado lang talaga akong nag-iisip ng kung anu-ano.
Sa gitna ng paglalakad ko ay nakasalubong ko ang tumatawang si Taeyeon habang nasa telepono.
It's my first time seeing her after what I knew! Nakalimutan ko nang pumunta sakanila nung nakaraan dahil namili na nga lang ako ng mga ingredients kasama si Serenity kaya ito ang una naming pagkikita uli. Kumulo ang dugo ko. She's talking with someone! And I fucking wonder who is it!
BINABASA MO ANG
Marrying My Bias: iKON's Kim Jinhwan
FanfictionTulad mo ba ko? Nangangarap ng pagkalayo? Na sa sobrang layo, eh umabot ng SoKor? Paano kung ang pangarap ngang iyan ay totoo ngang maabot mo? Basahin ang istorya ng babaeng ito na sobra-sobra pa ang naabot! Maka-relate at mangarap kasama niya sa Ma...