MMB6: Text

334 14 0
                                    

Yoo Mi's POV

Dalawang pictorial na lang para sa pagcover ko sa dalawang magazine ang natitirang schedule ko ngayong linggo matapos ang guesting ko.

"Okay... Last one." Ani cameraman at nagproject ako para sa huling shot.

Pagkaflash ng camera ay agad na nagpalakpakan ang lahat ng nasa studio. Phew!

"Good job, Yoo Mi! Wala atang tapon sa lahat ng kuha mo." Sabi ng cameraman at nakipag-apir sakin.

Napabilis ang 4:00 PM na end ng pictorial at naging 2:30 PM lang. Dahil dito ay may isa't kalahating oras pa akong makakatulog bago ang isang interview naman para din sa magazine.

Pumwesto na ko sa sofa ng dressing room para sana makatulog na nang biglang inabot sakin ng P.A ko ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ng unknown number na nakaflash sa screen ko.

"Hello? Si Yoo Mi ito..." Pambungad ko.

May nadidinig akong mga lalaking tumatawa sa background. Napakunot ang noo ko. Tumuwid ako ng pagkakaupo.

"Ahh! Sorry... S-si B.I ito." Sabi ng nasa kabilang linya.

Napataas ako ng kilay. B.I? I don't remember me giving my number to him... I think... It's Bobby. Right? Left? Hayys.

"Oh?" Tanging nasabi ko.

"Ahhhhhh...." Sabi niya na para bang nag-iisip ng sasabihin.

"Diba kay Bobby ko binigay yung number ko?" Natatawang sabi ko. Para naman di siya ma-offend. Hindi rin naman kasi yun ang gusto kong mangyari. Sadyang curious lang.

But why ask?! Right, Thea? Obviously, Bobby gave it to him! Fvck. You're so dumb, Thea. *sumayaw ng Dumb and Dumber*

LOL.

"Ahh... Binigay ni Bobby." Aniya at agad na may nagside comment, "OY HININGI MO KAYA!" Nilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Si Bobby ata iyong sumigaw ng bonggang bongga. Natawa ako.

"Ah... Anyway, it's okay." Sabi ko nang matigil na sila sa pagtatalo sa kabilang linya.

"Ah! Sorry Yoo Mi. May ginagawa ka ba? Baka... nakakaistorbo kami, ako." Sabi ni B.I at may narinig nanaman akong nagsisisinghap at nag-eeehem sa kabilang linya. Natatawa ako sakanila.

"Hmm... Actually, katatapos lang ng photoshoot ko at nagpapahinga na lang ako kasi may interview pa ko after... I think, 1 hour and 10 minutes from now." Sinabi ko lang ang totoo at wala naman akong balak iparamdam sakanilang istorbo sila ngayon. Haha.

"Ah... Sige, magpahinga ka na lang muna..." aniya.

"Ah? O-okay? ..." Nag-aalinlangan kong sabi kasi ganun din siya. May sasabihin ba siya? Ano?

"W-wait!" Pagpigil ko, "M-may sasabihin ka ba?"

Medyo maingay ang mga kasama niya ngayon. Definitely, the boys.

"Ah--- ah! W-wala. Sa susunod na lang... Busy ka pa eh." Aniya.

"Hmm? May 1 hour pa naman akong free time. Are you sure?" Muling pag-aalok ko.

"Oo. I assume meron ka namang libreng araw this week diba?"

"Hmm... Ah, yes. It'll be tomorrow." Sabi ko.

"Then it's set. Let's just talk tomorrow. Bye." Hindi niya na hinintay ang pagbabye ko din at pinatay na ang tawag. Kumunot ang noo ko. Wala na bang mas weird caller pa sakanila? Lol.

Nawala na ang antok ko matapos ang makulit na usapan na iyon kaya pumunta na lang ako sa isang cafe. Nagpa-autograph sakin ang nasa counter. Inuna niya pa talaga iyon bago ako tanungin kung anong order ko. But anyways, it's okay. Ang waitress naman ay nakipagselfie saakin matapos ibigay ang order ko.

Marrying My Bias: iKON's Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon