EHM 24

215 24 8
                                    

Chapter 24

Amanda's POV

"Bye guys, babalik ako mga 12:00 pm" sabi ko at lumabas ng bahay.

Papunta ako ngayun kay Jungkookie ko. May sasabihin raw siya saakin, importante raw.

Pagkarating ko sa Park kung saan lagi niya akong dinadala dati, wala pa siya kaya nag-hintay ako.

Kinuha ko yung phone ko at tinext siya.

To:Jungkook

Kookie ko! Nasaan ka na?

Sent.

*bzzzzt

Baka nagreply na. Pagkakita ko bakit Sehun? Teka nga maview

From:Sehun

Nasaan ka na? Umuwi ka na ngayon din! Bilisan mo. Sabihin mo kung nasaan ka. Dali na.

Haa? 'Bat feel ko yung text na yun? Yung feeling na kinakabahan siya? Ganun.

To:Sehun

Nagpaalam naman ako na aalis ako diba? Kaya please, bigay mo na saakin 'tong time na 'to. Promise After this babalik agad ako.

Sent.

Maya maya dumating si Jungkook, malungkot yung mukha niya. Tumayo ako at niyakap siya.

"Ayos ka lang ba?" sabi ko habang nakayakap kay Jungkook.

"Pasensya ka na" sabi niya.

"Huy, umayos ka nga. Wala kanamang kasalanan saakin ah?" sabi ko at tinapik ang braso niya.

"Pasensya na talaga, eto nalang tandaan mo. Mahal kita" sabi niya.

"Hoy, nakakatakot ka na talaga, umayos ka nga" sabi ko.

"Sorry Pards ko, Sorry Ayah" sabi niya.

"Tumigil ka nga-----Ah! Sh-t, J-Jungkook, paano mo na g-gawa 'to" sabi ko then everything went black.

Author's POV

"Very good Jungkook" sabi ni V kay Jungkook.

"Tss. Ang liit na bagay boss" sabi pa ni Jungkook.

"Hahahaha. Napaka-galing tagala, good news 'to kay Kuya Minho" sabi ni V.

"P-putang-ina niyo! G-gago k-ka, J-jungk-kook, a-akala k-ko kaibigan k-kita" sabi ni Amanda na ngayon ay nakagapos habang umaagos ang dugo na kanina ay sinakasak siya ni Jungkook.

"Hay naku Amanda, hindi kami titigil haga't hindi ko nakakaharap ang gagong Sehun na 'yun" sabi nung lalaki at lumabas sa pinto.

"K-Kuya Minho?" sabi ni Amanda.

Magkakababata silang tatlo simula 10 years old sila, at nagkahiwalay lamang noong 18 years old na si Amanda.

"Yes, Amanda it's me. Bwahahaha!" sabi ni Minho.

"Ano bang kasalan ni Sehun sa-inyo Kuya Minho? Jungkook? At Ikaw rin V?" sigaw ni Amanda. Habang iniinda ang sakit.

"Simple lang, mang-aagaw siya. Lahat inagaw ng grupo nila saamin" sabi ni Minho.

"H-ha? A-ano? Di ko kayo maintidihan, tsaka 'bat ba ako nadadamay ha?" sabi ni Amanda na mangiyak ngiyak na sa sakit ng sugat niya sa may kanang tiyan.

"Lahat ng taong importante sa kanya maghihirap" sabi ni Minho.

"Bakit ako? Ako? Importante ba ako sa taong 'yun? Tangina. Wala ngang paki saakin yun eh. Mga baliw kayo! Aaaaahhhhh" sigaw ni Amanda.

EXO's Hired MaidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon