Chapter 42: Kai's Fiancé?
Amanda's POV
Siguro 2 weeks ng nakatira si Chorong unnie sa mansion ng EXO buti nalang talaga maluwag ang kwarto namin nila Genesis unnie dahil nagkasya kaming pito.
Ngayung araw ay sabado at alasingko palang trip ko ng magising. Bumaba na ako at naghilamos at nagtoothbrush. After 'kong gawin 'yun nagluto ako ng breakfast at kinerry kong mag-isa yun.
Dahil 5:30 palang, I decided to jogging. Inikot 'ko ang buong subdivision namin, except duon sa may dulong part. Nung nakaramdam ako ng pagod tumigil ako at bumili ng bottled water at umupo sa may bench ng park. Woo~ sarap ng hangin.
Chineck 'ko ang wrist watch ko 6:30 na pala. Hayaan na, di pa yun mga gising. Kung may gising 'man si Genesis unnie lang 'yun. Inilipat ko ng music 'yung pinapakinggan ko. At nang biglang may tumabi saakin.
"Ahm Excuse me?" Sabi niya at tinapik ako. Agad 'kong tinanggal ang earphones ko.
"Yes?" Sabi ko.
"Saan ba 'yung Kim's Residence?" Sabi niya. Kila Suho 'yun ah? Sa mansion.
"Ne. Wae?" Sabi ko.
"Ahm. Pwede mo ba ako samahan? Please" pagmamaka-awa niya. Mukha naman siyang mayaman katulad ng EXO. Tumango ako at ngumiti siya.
"Gomawo" sabi niya. Nginitian ko nalang siya at tumayo.
"Sundan mo nalang ako." Sabi ko. Tumango naman siya.
"Ano nga palang kailangan mo sa kanila?" Tanong ko.
"Ah--eh, may pupuntahan lang ako at ibabalita" sabi niya at ngumiti. Tumango nalang ako at isinalpak ulit ang earphones.
Nangmakarating kami sa gate, agad ko binuksan at pinapasok yung babae.
"Saglit lang ah, upo ka muna" sabi ko.
"Taga dito ka rin?" Sabi niya. Ay! Hinde, akyat bahay gang lang ako na may duplicate ng susi sa mansion.
"Aha. Tatawagin ko lang sila ah" sabi ko.
Nang makarating na ang EXO'ng may mga panis pang laway ay nagulat naman sila , lalo na si Kai.
"Krystal?" Sabi nila. Pero, nangibabaw ang boses ni Kai.
"Hi, miss me EXO?" Sabi nung Krystal. Kaming girls andito lang sa may hagdan nanonood.
"Si Krystal lang pala, ang maarteng babae. Nanag-aanghel anghilan sa harap ng EXO" bulong ni Chorong unnie.
"Kilala mo?" Tanong namin.
"Oo naman" sabi niya.
"Ano nga palang ginagawa mo dito Krystal? Napadayo ka ata" sabi ni Sehun.
"Hahaha. May babalita sana ako tsaka namiss ko kayo Oppas eh! Masama ba 'yun?" Sabi niya sabay pout.
"Ano ba 'yung babalita mo?" Tanong ni Kai.
"Actually para sayo talaga ito Kai. I'm getting married!" Sigaw niya.
"ANO?" sigaw ng EXO.
"Paanong para saakin naman yun Krys. Sakit naman!" Sabi ni Kai.
"Oo nga sa Boyfriend mo pa talaga" sabi ni Luhan. Aba! May nagkamaling pumatol pala kay Uling?! Nyahaha!
"Para sayo nga 'yun Kai, dahil your dad and my dad, decided na ipakasal tayo! After ng Schools natin" sabi nung Krystal.
"Talaga? Fiancee kita?" sabi ni Kai. Tumango naman yung babae.
"Yehey!" sabi ni Kai at niyakap si Krystal. Sa totoo lang bagay sila. Hihihi! #kaistalftw #kaistal ako! Nyahaha. Kaso naalala ko naman 'yung sinabi ni Chorong unnie. Haist!
"Dalaga ka na rin sa wakas" sabi ni D.O. asus! Porket wala lang si otor dito eh. Hahaha!
"Tsee!" sabi niya at niyakap ulit si Krystal . napatingin naman ako sa gawi ni Chorong unnie. Na kanina pa iling ng iling. B'ka naman mahilo siya niyan. Haist =_=
End of Chapter 42
A/N: sorry Kai-stans. Niyahahaha! Sa mga Kaistal jan. Comment naman kayo. Paalala lang, fanfic lang 'to. Fan rin ako ni Krystal kaya wag niyong seryosohin ang ugaling binigay ko sa kanya!
040516

BINABASA MO ANG
EXO's Hired Maids
Fanfiction" my work, my responsibilities are separated on my personal feelings. " --- working students that became a gangsters maids, what will happen to their quiet life? will it remain quiet or a mess... EXO X Yoona / You 2016 - Fanfiction Story in Filipin...