Author's Note - Oo, may author's note to baket ba.

336 2 0
                                    

Babala ng may-akda:

huwag babasahin kung ikaw ay nai-istress, magulo ang isip, galit, gutom, puyat, o kaya'y sinisingil ng utang. Mas magandang basahin ito kung ikaw ay kalmado, masaya, busog, at nakabayad na ng utang. Pero pwede rin naman basahin kung ikaw ay panget dahil panget rin ang may-akda nito. May mga ilang senaryo sa istoryang ito na kailangan ng kaunting pitik ng pag-iisip, ngunit minimal lang naman. Kung nagulo nitong aklat na ito ang nyong kaisipan, huwag sisihin ang aklat dahil ibig sabihin lamang ay nang-judge ka ng libro sa kaniyang pabalat. Kung hindi na magustuhan ang aklat na ito, pakibenta na lang para mabawi mo ang perang pinangbili mo. Sana ay lobo na lang ang iyong binili, ngunit hindi mo makikita, pumutok na pala. Sayang lang ang pera mo sa lobo, kaya pinangkain mo na lang pala dapat.

Ang aklat na ito ay pwede ring pambayad ng utang, pamunas, pabigat, pantanim ng ebidensiya, pagtawanan, sirain, kainin ngunit huwag sisihin, pangsampal, pang-salag sa sampal, gawing taguan ng perang papel hindi barya, drowingan, kulayan, kumpunihin, gawing panggatong, at pwede rin namang basahin. Mas maganda kung babasahin dahil maraming letra sa loob. Salamat sa pagbabasa, kaibigan!

"One of the best books I've ever collected since typhoon ondoy", Octavio, new york st., cubao qc informal settler/part-time steel-bottler guy

Hulihin Si Botong Yunibers (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon