Pagpasok niya sa headquarters ay umiiyak pa rin siya. Pero hindi niya pinapahalata. Kaya sinuot na lang niya ang kaniyang aviator glasses ngunit madilim sa loob ng hq kaya nauntog siya sa glow in the dark na poste.
Sinalubong siya ni agent soup #5.
May pinanood sa kaniya na dvd tungkol sa hotdog. Tapos binigyan siya ng tinapay palaman hotdog. Maghapon nilang pinag usapan ang hotdog. Iba't ibang klaseng hotdog, kulay, hugis at hitsura ng hotdog. Marami na siyang alam tungkol sa hotdog.
Tapos ay naalala ni tarabusaw jones ang pakay nila kay botong at inimbitahan siya sa conference room. Pero may inidorong nakalitaw dahil nagkamali ng lagay noong ginagawa pa lamang kaya conference room or cr for short.
Welcome, agent yunibers. Welcome sa kilusang damukaw or one kilo of damucow in english or 1kd. Kami ang iyong natitirang karamay. Ako si tarabusaw jones. Gusto mo bang malaman kung bakit ka nandito?
Dahil sa hotdog? Tanong ni botong.
Hinde, botong. Bonus lang yang mga kahatdugan na mga yan. Sabi ni tarabusaw jones.
Una sa lahat ay ikukuwento ko sa iyo ang iyong history. Ang pangalan mo ay botong ngogah moreno. Iyan ang tunay mong pangalan. Ang pangalan ng iyong ama ay russian moreno, na aming lider, ang iyong ina ay si coolah ngogah. Si coolah ngogah ay kakumpitensiya ni beth hogan sa miss yunibers na naging asawa ni kenni loggins. Si beth hogan ang naging kasintahan ng iyong ama ngunit kinidnap ito ni kenni loggins. Kaya pinakasalan niya si coolah ngogah dahil hindi ito nakakaintindi ng tagalog. Si coolah ngogah ay pinatay naman ni sushi boleche, ang ampon ni nanay tony boleche na nireyp ni upline ninja collingsworth, ang lider ng oxygen oxygen. Ngunit huwag kang mag-alala. Hindi alam ni sushi na si coolah ngogah ang tunay mong ina. sumusunod lamang siya sa mga utos ni ninja.
At hindi makapagsalita si botong sa mga nalalaman niyang impormasyon dahil punung puno ng hotdog ang bunganga niya.
Ganito ang gustong mangyari ni ninja collingsworth, gusto niyang sakupin ang buong pilipinas sa pamamagitan ng panghoholdap gamit ang pinakamalaking tv network. Gagawing niyang hostage ang lahat ng mga estudyanteng nasa iskuwelahan. Gagawin niyang live telecast ang kaniyang planong mangholdap ng buong pilipinas. Tapos ay magpapadala siya ng mgamanguuto para kolektahin ang mga pera.
Si russian moreno lamang ang may kakayahang mang uto kay ninja collingsworth dahil crush ni ninja collingsworth si russian moreno dahil sa biceps ng tatay mo, at ang tatay mo lang ang merong dimples sa biceps.
Nasaan ang cd ng binigay ni sushi?
Pano po ninyo nalaman iyon?
Madali lang. Mayroon kaming nanobot slime technology. Mga ubod ng liit na mga robot na nagtatago sa mga sipon, na nirerecord ang lahat ng mga kilos mo.
Ibig sabihin ay iniispiyahan ninyo ako. Sabi ni botong. Nalunok na pala niya yung mga hotdog.
Oo botong. Pasensiya na ngunit iyon lamang ang paraan.
E pano kung naliligo ako, iniispiyahan pa rin ninyo ako?
Pasensiya na botong, ngunit hangga't may sipon, o kung anu man iyon na parang sipon, andoon kami. Pasensiya na. Sikat ka talaga sa amin. Pwede bang magpa autograph? Ibebenta ko sa mga tauhan ko, sabi ni tarabusaw jones sabay punas ng pawis.
Ibigay mo na sa akin yung cd. At pahiram ng atmcard mong pang hack ng atm machine.
Para saan?
Para ma crack natin ang password ng pdf file.
Ngunit pang atm lamang iyon.
Hindi bale, ninakaw namin yung atm machine ng onion bank. Akala mo ba ay oxygen oxygen lamang ang marunong mang uto? Isipin mo na lamang ay kung paano ka namin napapunta dito.