Ang nakaraan: basahin ang chapter 3. Ang chapter pagkatapos ng chapter 2.
Ang kanilang boss na kanilang upline ay naglabas ng isang kautusan.
Itong kautusan na ito ay napakahalaga dahil ito ang magsisilbing kanilang kauna-unahang misyon.
Inatasan silang holdapin ang Onion Bank sa Makati.
Pinagplanuhan nilang mabuti ang mission na ito, at nakalinya sina Sushi at botong sa mga magagaling mang-uto nilang mga kagrupo.
Mula labas ng bangko hanggang sa mga customer, mga gwardya, mga teller at mga security camera ay kumpleto ang kanilang plano. Napakagaling ng plano nila. Naka-ready ang mga laser nila kung sakaling may sumablay sa pang uuto at pang hack na atm para magamit ng mga kasamahan nilang naka-assign sa atm machines. May mga look-out din sila sa labas. Ngunit wala palang salawal si Botong kaya umuwi muna siya at nagsalawal. Napakabilis niyang kumilos kaya naman nakabalik siya agad.
Inumpisahan na ang misyon. Napakagaling nilang mang-uto at naubos nila ang pera ng bangko. Hinabol sila ng pulis at nahuli sila pero hindi natuloy ang panghuhuli sa kanila dahil magagaling nga silang mang-uto.
"Hahahaha, napakagaling naming mang-uto at naubos namin ang pera ng bangko. Hinabol kami ng pulis at nahuli kami pero hindi natuloy ang panghuhuli sa amin dahil magagaling kaming mang-uto. Hahahaha!", ang sabi ng mga miyembro ng Oxygen Oxygen.
Ni hindi ito naibalita sa anumang media at malinis ang trabaho.
"Hahahaha. Ni hindi ito naibalita sa anumang media at malinis ang trabaho.", sabi ulit nila.
Inulit nila ang pang hoholdap sa Onion Bank at kahit araw araw nila itong holdapin ay nagpapauto pa rin ang bangko.
Mayaman na ang grupong Oxygen-Oxygen (O2-O2).
Inuto nilang lahat ang mga sarili nila na magcelebrate at naniwala naman sila, ayun, nagcelebrate nga.
Nag-decide silang i-shut down na ang networking company dahil wala namang safety net ang company at baka malugi dahil wala na silang ma-recruit. Hindi na nila kailangang mang uto ng mga bagong member dahil mayaman na sila. Masyado silang masaya noong mga panahon na iyon.
Sa canteen sa kabilang building...
"Aha, nandito tayo sa canteen ng kabilang building dahil wala tayong canteen. Ahahaha.", ang sabi ni botong.
"Napakasaya ko ngayong araw na ito, botong, dahil hindi ako malungkot. Ikaw botong, malungkot ka ba ngayon?", dialogue ni Sushi.
"Hindi, hindi ako malungkot, Sushi.", sagot ni botong.
"Aha, ang ibig sabihin lang niyan ay masaya tayo ngayon. Ahahaha, masaya tayo! Yehey!", sabi ni Sushi.
"Yehey!", sabi naman ng janitor na usisero.
At binatukan ng nanay ng janitor yung janitor dahil nasisante na siya sa trabaho at nagpupunas pa rin siya ng pader gamit ang mga second-hand na tissue. Kaya pinauwi siya ng kaniyang nanay sa pamamagitan ng pingot sa dede dahil pinabili lamang siya ng ginatan at nakikiyehey sa mga estranghero.
Naging masaya kina botong at Sushi ang araw na iyon. Sobrang saya nila na nakuha nilang pagtawanan yung asong nabilaukan sa pagkain ng sundot-kulangot, ang sundot-kulangot na binili ni Sushi sa Cabanatuan.
At biglang mayroong isang sigang lalakeng pumasok sa loob ng canteen na umorder ng tubig at pagkatapos ay ininom lahat at naubos ang kalahating basong tubig na kaniyang inorder. Pagkatapos ay biglang tumakbo ito palabas ng canteen dahil wala pala siyang pera.
At naalala muli nila botong at Sushi na masaya pa rin sila noong araw na iyon.
Napakasaya nila.
Sana nga ay lagi na lang silang masaya...
Masaya naman sila a...