"Hindi ko na kaya 'tong dinadala kong ito, palalaglag ko na tlga to.", sabi ni barbara.
"Huwag, huwag wala tayong pera, nekswik nlang pagka nakadelihensya ako", ang sagot naman ni nestor.
"Huwag mo ipalaglag yung piano inay! Huwag! Tiisin nyo na lang po kahit mabigat!", ang sabi ni jorilya, ang kanilang anak.
"Nestor, may kailangan kang malaman... Alam ko na kung sino ang tunay na nagnakaw ng bayawak natin... Ang bayawak na sagot sa ating kahirapan.", sabi ni barbara.
"Yung bayawak? Pinaalala mo nanaman yung bayawak natin na sagot sa ating kahirapan? Sino?!!! Sabihin mo..."
Tsug. Bluputuwlewt.
Pinatay na ni nanay beth ang telebisyon, at ang pangalawang tunog na "bluputuwlewt" ay ang tunog ng paghugot ng plug ng telebisyon sa outlet. Ayaw na kc nila manood ng puppet show.
Asawa ni nanay beth si kenie loggins..
Magkasama silang lumabas ng bahay upang bumili ng sinigang na hipon, anim na rambutan at chukchak chenes cheese curls, ang cheese curls ng mga chukchakchenes. Nagugutom na kc si botong, ang kanilang kaisa-isahang ampon. "Waw! Sinigang na hipon, anim na rambutan at chuk chak chenes cheese curls or cccc! Ang sarap naman niyan nanay beth!
O sige anak kumain ka na.
Inay, hindi po ako pwedeng kumain ngayon dahil may ulcer ako.
Hmf, wag ka maniwalang may ulcer ka anak, sige kumain na tayo.
At hindi nga siya naniwalang may ulcer siya at kumain nga sila. Nabusog naman si botong.
Si botong loggins. Oo sa kaniya iikot ang istorya dito.
Guwapo si botong ngunit kailangan lang nitong magparetoke ng ilong, ng baba, ng talukap ng mata at makapal na bibig.
"Waw ang gwapo tlga ni botong, pero kelangan lang nyang magparetoke ng ilong, ng baba, ng talukap ng mata at makapal na bibig.", sabi ng stalker nyang si edna.
"Oy edna, andiyan ka pala. Kumain ka na ba?"
Sumagot naman c edna: "hindi pa nga botong e.. Kailan ka ba magpaparetoke ng ilong, ng baba, ng talukap ng mata at makapal na bibig?"
At umaasim ang mukha ni botong na tila'y nagpapahiwatig na mangiyak-ngiyak siya, habang lumalapit sa salamin.
Matapos ang 20 minutes na pagtitig niya sa salamin ay umiyak ito nang malakas at naglupasay sa sahig at minsan ay nangingisay. Bumubula ang bibig ni botong ngunit hindi nya pinapahalata kaya nilulunok nya ang bula. Salamat sa bula at hindi na masakit ang tiyan niya dahil sa ulcer. At bigla siyang napatayo.
Maya maya'y pumapatak na naman ang kaniyang luha. Pero wala nang nangingisay at naglulupasay effect. Nalungkot lang siya masiyado dahil alam naman niya na hindi talaga siya gwapu at malabo na siyang magparetoke ng ilong, ng baba, ng talukap ng mata at makapal na bibig.
Karaka-raka, nag-alarm na yung alarm clock niya kaya lumabas siya ng bahay upang tumingin sa wall clock ng kapitbahay upang makita kung anong oras na, dahil wala silang wall clock. Alarm clock lang ang meron sila.
"Oras na pala. Aalis na ako. Babay na people. Edna, bahala ka na muna jan sa mga aso naming may rabies na nangangagat ng mga panget."
"Ay hinde, aalis na rin ako. Babalik nlang ako bukas dahil suka lang ang dahilan ng pagpunta ko dito, maraming maraming suka.", sabi naman ni edna.
At umalis na si edna para bumili ng suka dahil suka naman talaga ang dahilan ng pagpunta niya. Maraming maraming suka.
Umalis na rin si botong papuntang trabaho. Call center agent si botong at magaling siyang mag english habang tumatambling. Talented si botong at siya ay magaling mang uto ng mga bata noong siya ay nagbibinata pa lamang.