"Botong saan mo gusto magpunta kapag masaya ka?", nagtanong si Sushi.
"Bakit naman?", sagot ni botong pero yung sagot niya ay isang tanong din, kaya mahirap malaman kung sagot nga iyon o isang tanong din.
"Wla lang, irereport ko lang sa channel 84, may kontest sila na saan mo gusto magpunta kapag masaya ka.", sagot naman ni Sushi.
"Ako, gusto ko magpunta sa tagaytay.", ang sagot din ni botong.
"Bakit tagaytay?", isa pang tanong ni Sushi.
"Kasi, para siyang Baguio pero hindi. Kasi Tagaytay ang pangalan niya. Tsaka masarap magkape dun.", sagot ulet ni botong.
At sinapak ni Sushi si botong at nag blackout. Pshiwushiong-shuwishisshishibatotay.
Pagkagising ni botong ay nasa Tagaytay na sila. Ginamitan na naman siya ng laughing gas habang tulog.
Kaya mukha na naman siyang tanga kasi tawa nang tawa habang natutulog. At the same time, sumusuka habang tumatawa kasi mabaho ang kotse ni Sushi.
"Hay ang sarap talaga sa Tagaytay. Teka, wla ba tayong mission ngaun?", gulat ni botong.
"Meron botong, pero inuto ko sila na nandun tayo. Tenkyu nga sila ng tenkyu sa'kin e. Kasi sabi ko ampupuge nila at ang gaganda.", sabi ni Sushi.
Ah ganun ba? Andun ba tlga tayo?
hinde, wala. Nasa tagaytay tayo.
Waw talaga? Nasa tagaytay tayo? Astig!
At nag jack en poy sila dahil masaya sila. Tapos umuwi na sila pagkatapos nilang mag jack en poy ng walong oras.
Naisipan nilang kumain sa isang sikat na restawran sa baguio. Pero sa baywalk branch lang sila nagpunta dahil malayo ang baguio.
Kwentuhan sila ng kwentuhan at pagkatapos ay uminom sila ng tubeg at nagkwentuhan ulet dahil masarap magkwentuhan. Tapos ay kumain na sila dahil nagagalit na yung waiter. Basang basa n sa pawis yung waiter at nanlilimahid na kakahintay sa harapan ng dalawa.
Umorder sila ng pagkain at kumain sila. Habang kumakain at habang nabibilaukan si sushi ay nagkatinginan sila. Parang nahuhulog na ang kanilang mga kutsara dahil nabitawan nila dahil natutulala sila. At nahulog na nga ang mga kutsara. Pero wala silang pakialam dahil nahuhulog na rin ang kanilang mga kalooban.
Okey lang ba sayo manligaw ang isang kaibigan?
Oo botong okey na okey.
Waw talaga? Ayos! Cge magpupursige akong maging kaibigan mo para maligawan kita.
At sa wakas ay nalunok na rin ni sushi yung nginunguya niyang bubble gum kaya lagot siya dahil hindi naman iyon nilulunok. Inis na inis siya kay botong dahil magkaibigan na naman sila talaga. Kaya naisipan niyang gamitan na.naman si botong ng pang-uuto at sbihing mag-shuta na sila dahil ang tanga-tanga niya.
At mag-shuta na nga sila. Masaya silang dalawa kahit hindi nila alam kung ano ang ginagawa ng mga magshuta.
Lumipas ang ilang araw na araw-araw binibigyan ni botong si sushi ng bulaklak na plastik. Pero binabawi rin niya ito sa hapon para maibigay bukas kaya sa totoo lang, isang beses lang talaga siya nagbibigay. Uto-uto lang talaga si sushi. At pareho naman silang uto-uto kaya hindi sila tao, hindi sila hayup, kun'di bagay na bagay sila.
May mga pagkakataon na hindi alam ni botong na ginugulpi ni sushi si edna dahil stalker nga eh.
Minsan ay nagsusuntukan ang magshuta ngunit nagbabati naman agad dahil sa pang-uuto.
Masayang-masaya si botong dahil uto-uto siya at sumali siya sa Oxygen Oxygen kaya magshuta na sila ngayon ni sushi.
Naging makulay ang kanilang mga moments sa kanilang mission at mayaman na mayaman na sila. Mas mayaman pa sila sa mayayaman dahil mas mayaman talaga sila, pramis.