Chapter 9 - Ang Dakilang Responsibilidad

35 0 0
                                    

Gusto kong malaman ninyo na ang bagong agent yunibers ay si botong, ang aking anak. Ngunit, kailangan muna ninyo siyang turuan ng mga skills ng mga miyembro ng kilusang damukaw or 1 kilo of damucow in english or 1kd.

Botong kailangan mong pumasok sa chamber of transformation para hindi ka makilala ng o2o2.

Botong, ganito ang gagawin sa iyo, babaguhin natin ang iyong hitsura at kulay ng balat upang ikaw ay maging isang ganap na damukaw at mapagtagumpayan ang ating misyon kontra sa mga maiitim na balak ng oxygen oxygen.

At inihahanda na ang chamber of transformation. Ang kyut. May mga ilaw na maliliit na kulay green, at lemon scented pa.

Dahan dahan nang ipinapasok si botong.

Kantang tumutugtog:

"Sige lang sige lang

Bahala ka sa buhay mo

Babaguhin ang iyong katawan

Sa pamamagitan ng balat ng hotdog.

Sige lang iligtas ang buong pilipinas

Ikaw ay magiging bayani

Kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo

Masarap tinapay palaman hotdog

Sige lang sige lang

Lalagyan ka ng bigote

Pagpapalitin ang kaliwa't kanang mata

Para sa ikauunlad talaga

Ayoko ng bagoong dahil hikain ako

Sige transform lang ng transform

Ikaw naman iyan irog

Tenenenenen-ten-ten-ten-tenenen

Tenenenenen-ten-ten-ten-tenenen

(Instrumental)

"

Habang nag iinstrumental ay malapit nang matapos ang transpormasyon.

Sa wakas pagkatapos ng anim na oras ay tapos na ang transpormasyon.

Russian Moreno: Tagumpay!

Mga tauhan: oo nga, tagumpay!

Ang kinalabasan: pinalitan ng balat ng hotdog ang kabuuang balat niya at nilagyan siya ng bigote. Yun lang.

Parang taong naging hotdog na may bigote.

Ladies and gentlemen, botong yunibers.

(Tugtog ulet yung kanta kanina)

Nag iyakan ang mga miyembro ng kilusang damukaw or 1kilo of damucow in english or 1kd for short. Ampanget kasi ni botong.

Ngayon, may bago akong ituturo sa inyong kung pu. Botong yunibers, hindi mo na kailangang matutunan ito dahil nakaprogram na ito sa utak mo kasama sa transformation process.

Nagtraining ang mga miyembro sa loob ng isang taon. Minsan ay si botong ang kanilang instructor.

Masaya ang mga miyembro dahil marami silang natututunan sa mag ama.

Habang tumatagal ay gumagaling ang mga miyembro ng kilusang damukaw or 1kilo of damucow in english or 1kd for short.

Samantala...

O2o2 hq

Upline ninja collingsworth: maghanda na kayo at magppraktis tayo mag erobix.

Mga tauhan: ano pong erobix?

May nahuling isa sa pagtatanong kaya..

Ano pong erobix? Ang tanong nung isang hindi nakasabay.

Kailangan tayong magpapayat ng konti dahil puro pagcecelebreyt ang pinaggagagawa natin e. Malapit na ang december at hoholdapin na natin ang buong pilipinas. Kailangan matsu tayo pagharap sa camera.

Bos hindi na natin kailangan...

Pssst. Wag kayong maingay may tinatawagan ako sa celfone. Psssst.. Quiet.

Hello russian moreno? Kumusta ka dian?

Ahhrrrgghh heto nahihirapan dahil nakagapos at napapaligiran ng mga unanu. Huhuhu.

Teka russy, di naman kita ginapos diyan ah.

Ah.. Eh ginapos ko pala yung sarili ko. Ouch. Ang sakit ng gapos ng sarili ko. Ouch. Aray.

Ah ganun ba. Baka niloloko mo lang ako ha?

Ikaw lolokohin ko? E di parang sinabi ko na rin na hindi masarap ang tinapay palaman hotdog!

Hoy! Masarap yun! Tandaan mo yan.

Edi tama mga cnasabi ko.

Oo nga. O cge, siya, siya. Marami pa akong uutuin. Jan ka na. Babay.

Babush, sabi ni russian moreno.

Wokei mga tanga kong tauhan..

Boss hindi kami tanga.

Tanga kayo, and that's final.

1,2,3... Ah ganun ba? Sabi nilang sabay sabay.

Back to my topic...

Isang buwan na puro erobix, neksmonth ay isang buwan na puro camera projection ang pag aaralan natin. At kukunin natin si shaider para gawin nating maskot. Hahaahaha.

Hindi nila alam na inuuto ko sila. Hindi naman talaga si shaider ang kukunin ko kundi si spo2 macopa. Hahahaha.

At nag training sila ng mahabang panahon at nagtraining din silang humarap sa camera dahil pambuong-bansa ang kanilang misyon.

"Ihanda ang mga sasakyan at mga kagamitan.", sabi ni upline ninja collingsworth. "Bukas ng umaga ay umpisa na ng ating pinakamalaking misyon. Lahat ng pinaghandaan natin ay doon ninyo ilalabas."

Hulihin Si Botong Yunibers (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon