Intro

270 4 0
                                    

 [December 12,2013]

"Para sayo ano nga ba ang lovelife?" tanong sakin ni Jei.

"Para sakin." nag-isip pa muna ako bago sumagot. "Hmm. Yun yung masasabi ko sa social networks, facebook, twitter, chuvaness na may boyfriend ako. At saka, may tiga dala ng bag ko. Mabigat 'e." nagkibit balikat ako.

"Yun lang? Hindi yung sasaya ka? Hindi yung kapag kasama mo siya para kang nasa heaven? Yung parang kayong dalawa nalang?"

"Siguro ganon na nga din. Hay. Ano ka ba? Mas mabigat tong bag ko kaya gusto ko ng magdadala. Ikaw, baka gusto mo kong tulungan?"

Natawa na lang kaming dalawa ni Jei. Ewan ko ba dito sa babaing 'to. Bat tungkol sa lovelife biglang tinanong. Buti naman tinulungan niya ko sa mga dala ko.

Pero para talaga sa'kin. Gusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa pamamagitan ng pagtawag sa phone para hindi ako ma-late. Yung mga ganun ba. Mababaw ako 'e. Pero hindi ko naman sinasabi na gusto ko lang ng mauutusan or whatsoever. Pero baka... siguro... ganun na din.

Dati ganyan ang pananaw ko. Siguro kasi naiinggit ako sa mga nakikita kong mga lovebirds. Yung mga nakakasalubong kong sweet. Yung mga magkakaholding hands. Hay. Kailan kaya ako magkakalovelife? Kailan kaya ako makakapwesto sa lovers lane na may kaholding hands. Kailan kaya may papasok sa room namin at sasabing para kay Jana po tapos may dalang roses. Hay kailan kaya?

Hay. Nako Jana. Hwag mo na nga masyadong iniisip ang lovelife! Hindi mo ikauunlad yan. Tignan mo, nababaliw ka na. Kinakausap mo na sarili mo. Nakakatawa lang, masyado kong naiisip yung love life ko. Ewan ko nga ba. Dati nung tinanong ako ni Jei kung ano ang lovelife, ang babaw ng sagot ko tapos ngayon mababaw pa din pero padagdag ng padagdag.

Siguro.. nababaliw na nga talaga ako.

 Pero Ano nga ba talaga ibig sabihin ng LoveLife?

Yun ba yung... dapat mahalin ko muna ang sarili ko? 

Siguro nga... dapat mahalin ko muna ang sarili ko bago ko mahalin ang iba.

Hay. Jana. Lovelife lang di mo pa din malaman. 

##

Janica

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon